[Ch.34] Decision

2.4K 42 4
                                    

 [Ch.34] Decision

//Ayanna's Point of View

"Lyrics from a song, eh?" Tumawa siya na para bang hindi siya lumuluha kanina. Bahagya namang gumaan ang pakiramdam ko. Sana pagtapos nito ay maayos na ang lahat. 

"Hayaan mo, Aya. I'll try to bounce back to my old stature," sabi niya habang nakatingin lang sa mga Bermuda grass. Halatang bagong trim lang ang mga ito, halatang-halatang alaga talaga ni Lola Teresa ang bawat sulok ng resort. I suddenly felt a pang of guilt in my chest. Walang kamalay-malay 'yung matanda na pinagloloko namin siya. Wala siyang kamalay-malay na puro kasinungalingan lang ang nakikita niya. Kung kaya lang sana naming maging masaya nang walang natatapakang ibang tao, hindi naman sana aabot sa ganito eh. 

"And, Aya?" Tumingin ako sa kanya. "I love you no matter what," kasabay nang pagbuka ng bibig niya upang sabihin ang mga salitang iyon ay ang pagsaklob ng kamay niya sa kamay ko. I felt secured, love and cherished. Halu-halong mga emosyon ang nararamdaman ko—mga bagay na kahit kailan ma'y hindi ko naranasan kay Ian, o sa iba in general. 

"I love you, too." I intertwined my fingers with his. Hinigpitan niya iyon. Biglang sumagi sa isip ko ang nakaraan—lahat nang nangyari. 'Yung sa beach, 'yung pag-alis ni Ian, 'yung pag-alis niya, 'yung birthday ko, 'yung nangyari sa HQ, 'yung kay Ian... sinong mag-aakalang aabot kami sa ganito? Parang kailan lang lagi niya akong iniinis. Naalala ko pa 'yung ice cream container na may isda... the old times. Noong hindi pa ganito kakumplikado ang lahat. Pwede bang bumalik na lang doon at huwag nang umusad ang lahat?

Fudge, Aya, accept it. Live your freaking life.

Ngumiti si Paolo. He cupped my cheek using his free hand, "but one more thing, Princess."

"Hmm?" Ramdam kong umiinit na ang magkabila kong pisngi.

"Let's do the right thing." Hindi ako nagsalita noon. "Pero ngayon, let's just dwell in our altered universe. Kung saan pwede nating gawin lahat nang gusto nating gawin. After nito? We'll go on with what has been planned. Cousins," pagpapatuloy niya. 

Hindi ko magawang makapagsalita agad. Bahagya akong lumayo at kumawala sa haplos niya.

Tumalikod ako at humalukipkip, tumingala at tinignan ang kalangitan. Ano ba 'yan? Panira ng moment, walang stars! ‘Yun na lang ang kulang eh.

I composed myself. Huminga ako ng malalim. Acceptance, iyon ang kailangan ko. Baka naman all these times ako lang ang gumagawa ng mga kahibangang ito, baka masyado lang akong na-attach kay Kuya kaya akala ko ‘yung pagmamahal ko para sa kanya ay higit pa sa kung ano ang totoong timbang nito… Pero ngayon pa ba ako magdududa? Ngayon pa, pagtapos ng lahat ng nangyari? Wasn’t all those enough to say that I truly have fell in love with my own cousin?

Humarap ako sa kanya at ngumiti ng malapad, “’Yun naman talaga ang end game, ‘di ba?” Tinignan niya ako nang mabuti, na para bang naawa siya sa akin. Na gusto niyang gumawa ng paraan pero alam naman niyang wala siyang magagawa. “Three weeks, Pao. Three weeks. Atin ‘tong three weeks, okay?” Tumango siya nang may ngiti sa kanyang mga labi. “We’ll surely gonna’ enjoy our stay here, boyfriend.”

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon