[Ch.44] Same Girl

1.4K 38 10
                                    

[Ch.44] Same Girl

// Ayanna’s Point of View

 

"Bumibigat ka ata, little boy," sabi ko habang inaayos ko 'yung pagkakakarga kay James sa bisig ko. Bahagya akong nakiliti nang isiniksik niya sa gilid ng leeg ko ang ulo niya.

"You want me to carry him instead?" Tinignan ko ang lalaking kanina pa kami pinagmamasdan ni James. Inilahad niya ang braso niya upang kargahin ang bata. Iniilag ko naman ang braso ko.

"Kaya ko naman." I heard him chuckle kaya inirapan ko siya.

Naramdaman kong ipinatong niya ang palad niya sa may balikat ko kaya inihilig ko ang ulo ko roon. The past weeks had been tiring. Masyadong maraming ginagawa, halos wala na akong tulog. Swerte na nga kung umabot pa ng apat na oras ang tulog ko.

Ito ang unang free day ko pero imbis na matulog at magpahinga ay mas pinili ko pa ring lumabas kasama 'yung mga taong importante sa'kin. They're the epicenter of my universe now. Natuto na akong pahalagahan ang mga taong nagpapahalaga sa akin at natuto na akong bitawan ang mga pangakong hindi rin naman matutupad. I’ve learned my lesson… the hard way.

"Aya." Wala sa sarili akong napangiti nang banggitin niya ang pangalan ko. It's been years since he started calling me that, pero malinaw pa rin sa ala-ala ko ang unang beses na lumabas sa bibig niya ang pagtawag sa aking iyon. I cocked my head towards his side. He was playing with James' hand with his free hand. Pinaiipit niya sa maliit nitong palad ang kaniyang hintuturo.

"Hmm?"

Jiro and James had been my stress-reliever since... I don't know when. 'Pag marami ang workload ko ay si James at si Jiro ang nagpapagaan ng gawain ko... lalo na sa tuwing naririnig ko silang tumatawa o kahit 'yung makita ko lang naglalaro sila. Ang ganda tignan. Ang sarap sa pakiramdam. Parang panandalian ay nakalilimutan ko ang mga problema ko. I wish I could just spend every single moment of my day with them…

I was lost in my thoughts when I felt Jiro's hands tighten his grasp on my shoulder.

Hinanap niya ang mga mata ko at agad umiwas ng tingin. He looked unsure. Kinagat niya ang labi niya at mabilis ulit akong pinasadahan ng tingin. Dahan-dahan niyang ibinuka ang bibig niya nang may pag-aalangan. "K-kailan natin susundan si James?"

"James wants a baby sister!" narinig ko pang sumabat si James ngunit hindi ko na iyon napansin dahil nauna nang naitatak sa utak ko 'yung tanong ni Jiro.

Biglang bumilis 'yung kabog sa dibdib ko. I wasn't expecting him to tell me that, at least not in this moment. I was taken aback, at alam kong alam niya iyon dahil sa obvious na eksypresiyon sa mukha ko. Mabilis din akong nakarecover at nginisihan siya. "Bukas na, hapon na, e."

Humagalpak naman siya namng tawa sa naging sagot ko. He insisted on carrying James for me at hinayaan ko na siya. Ako na lang ang nagdala no'ng bag na naglalaman no'ng mga bote, gatas at iba pang gamit ni James. Medyo nanlalata na rin kasi ako dahil sa puyat at totoong bumibigat na nga talaga si James kaya hinayaan ko nang si Jiro ang magbuhat sa kaniya.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon