[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part I)

5.1K 61 5
                                    

Obviously, this is Part 1 at may Part 2 dahil ang haba. Dedicated (both parts) kay Mine dahil request niya at dahil malapit na ang birthday niya. Advance happy birthday! I love you :*


[Ch.23] Military Code of Secrecy

// Ayanna's Point of View

Nine months have passed since we last talked personally. We hugged, we kissed, and that was the last time for so long. We managed to stay happy with that kind of set-up-- we talk through phone, chat through social networking sites and weird as you may think, we date through skype. I was happy during those times. Naisip ko pa nga na sana noon ko pa binigyang pansin si Ian, edi sana noon pa ako masaya. Then now, he started being cold to me. I tried to give him all my time instead of indulging myself in that forbidden thing. I did, I chose Ian. I chose him over my prince. And now? Is he letting me feel that I should regret choosing him? Hindi naman siguro, baka sadyang busy lang siya.

Lumayo ako kay Kuya Paolo dahil alam kong yun ang magiging mas maganda para sa relasyon namin.  Importante si Ian para sa akin. Ayokong saktan siya para sa isang bagay na makakasakit lang din sa akin. At isa pa, nangako ako sa kanya. I promised him that I'll be his girlfriend. And besides, I'm happy right now with him. No regrets. Really? 

And oh, if you're wondering if I still love Trick, well, I'd be a liar if I say I don't. Tumingin ako sa lalaking iyon na nasa harap ko, his well-formed face that was like diamond to my eyes. Bumalik na rin ang dati niyang kulay at nanaba na ulit siya, umitim at namayat kasi siya when he was in Vigan. For months nasanay na rin ako na para na lang talaga kaming magpinsan ni Kuya Paolo. Kung ano yung dapat ginagawa at turingan ng magpinsan. Noong una, masakit pero I managed later on. Kuya was still that protective cousin but maybe he also noticed that the way we were acting was not that appropriate for 'cousins.'

Nag-ayos ako ng buhok at sinuot ang id ko.

"Princess, let's go?" aya niya sa akin pagtapos naming mag-almusal at mag-ayos. Mas napadalas na rin ang uwi ni Mama rito a bahay kaya mas napadali ang lahat para sa akin kasi bukod kay kuya may iba na akong kausap sa bahay.

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya papuntang John McGill University. tahimik lang kami sa byahe, wala namang mapag-uusapan.

Si Knave naman? Bumili na siya ng condo unit niya somewhere in Quezon City. Hindi ganun kalapit pero accessible naman kung gugustuhin ko siyang bisitahin o vice versa. Hindi na rin siya bumalik sa France, tutal tapos na naman siyang mag-aral doon. Limang buwan na rin simula noong umalis siya sa bahay namin. Noong una nga ay pinigilan siya nina Mama at Papa kasi syempre, pwede naman siyang makitira sa amin at hindi na kailangang bumili ng condo eh mapilit si Knave... kaya ayun, he's living in QC now.

Kami naman ni Ate Abby, we became good friends. I became even closer to Pao's friends, too. Being with them provided me enjoyable time to spend with. Sa katunayan nga magse-sleep over daw sila mamaya sa sa bahay para raw advance birthday celebration para bukas. Feb 20 ngayon at birthday ni Kuya bukas. My surprise for him? Nothing. A simple greeting will do.

"Sabay ka na sa akin umuwi mamaya ah?" Kuya said, he smiled at me as he asked me. Hindi ko mapigilang ngumiti pabalik. Gusto ko siyang akapin. Gusto kong isigaw na mahal ko siya. Pero hindi pwede. Kasi bawal, kasi masama. Naabnoy na ako sa sarili ko, kanina lang kinokotra ko na special pa rin sa'kin tapos ngayon ganito ako? Tsk, Aya.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon