[Ch.39] Fate

1.9K 50 19
                                    

[Ch.39] Fate

// Ayanna’s Point of View

 

Pinikit-pikit ko ‘yung mga mata ko noong mga oras na ‘yon, hanggang sa natauhan na rin ako na mukha akong tanga sa ginagawa ko. Naroroon pa rin siya at tulad nang lagi niyang ginagawa, tinatawanan na naman niya ako. Tumatawa siya habang tinuturo-turo niya ang mukha ko. I didn’t know why he was laughing. 

“Mukha ba talaga akong clown sa paningin mo?” I whined.

Mas lalo siyang tumawa nang sabihin ko iyon. Ako? Nakatingin lang ako sa kaniya. I know I should be freaking out why the hell he was there, sitting beside me, but I just couldn’t. Paano siya napunta rito? Bakit siya nandito? It was when I was looking into his eyes when I realized a thing… Maraming mga tanong ang bumagabag sa isipan ko. Kumabog bigla ang dibdib ko. Problema na naman ‘to.

“Jiro,” I called his name.

Ni hindi ko nga matandaan kung ano ang apelido niya. Ang alam ko lang, siya si Jiro—that guy in San Fabian, that guy Leslie liked. Huminto naman siya sa pagtawa ngunit nakabalandra pa rin sa mukha niya ang ngiti.

“B-bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya. Iba't-ibang scenarios na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi talaga pwede 'to.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Bawal ba? This is a university, Yanna. Bakit sa tingin mo nandito ako?” balik naman niyang tanong sa akin. When he called me Yanna, I suddenly felt a pang of guilt and nostalgia in my chest. I was Yanna in San Fabian and there, I was Trystan Paolo’s girlfriend; there, I was free to do everything with that man I love the most... but cannot have.

“D-dito ka nag-aaral?” I asked in disbelief. It was stupid of me to ask that question, I know. For one, he was inside the university, sitting adjacent to me in a freaking classroom, of course, he’ll be studying here. Alam ko naman iyon. I just have this little obsession of wanting to confirm things—to hear things being said straight to me. Kumpirmasiyon, kung baga. Sa lahat ng bagay, parang gano’n ko na gusto. Ayoko na nang nanghuhula ako o nakikiramdam. Gusto kong naririnig, gusto ko diresto—'yung alam ko, 'yung gustong ipaalam sa akin.

“Obvious ba?” Ngumisi siya. “Hi, course mate!” sabi niya sa akin habang nilalahad niya ‘ung kamay niya.

I reached for it even I knew there wasn’t a need for formal introduction. Nawala ata talaga ako sa sarili ko noong mga oras na iyon. Ni hindi ko nga talaga alam sa sarili ko kung bakit pinatulan ko pa 'yung ginagawa niya. 

“Jiro Cervantes,” pagpapakilala niya. He was still wearing those glasses on his eyes. At siyempre, hindi naman siya si Jiro kung hindi rin niya suot-soot ‘yung ngiti sa mga labi niya. 

“Ayanna,” I told him.

“Ayanna, what?” he asked.

Kinabahan pa nga ako noon dahil baka natandaan niya ‘yung apelido ni Paolo pero tumingin ako sa kaniya at nakita  kong naghihintay pa rin siya sa idurugtong ko. “Ayanna. Ayanna Celine Sa-salvatorre.”

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon