[Ch.6] Brownies at Pandesal

8.3K 175 26
                                    

[Ch.6] Brownies at Pandesal

// Ayanna’s Point of View

Matapos niyang sabihin iyon ay inihagis niya sa kama ko ang phone ko. “Pwede sa susunod wag kang masyadong epal?” huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. “At isa pa, matuto kang kumatok. Kwarto kaya ‘to ng babae.” Pasok kasi siya nang pasok hindi man lang kumakatok, paano kung nagbibihis ako, diba?


“At wag kang masyadong nakikialam lalong lalo na sa amin ni Ian.” Nakakainis na kasi, masyado na siya pumapapel. Diba? Pinsan ko lang siya. Pinsan na nakikitira sa bahay namin. Pinsan ko lang siya at wag siyang umasta na parang magulang ko.

He turned the door knob, “You don’t know what you’re saying, Ayanna.”

“I know what I’m saying, couz.” At ako pa raw ngayon ang hindi alam ang sinasabi. Can’t he see what he’s doing? Masyado na siyang nanggugulo.


“Stay away from him, that Ian and his family will cause you nothing but harm,” malamig niyang sabi ngunit may awtoridad. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at tska umalis sa kwarto ko. May sira talaga ang ulo neto eh. Will cause nothing but harm? Kilala ko ang pamilya ni Ian, mabait silang lahat sa akin. Pati nga sina mama at papa kilala na ang pamilya ni Ian.


Muling nagring yung phone ko. It’s Ian.

“Ian! Sorry nga pala, yung pinsan ko kasi sinusumpong eh.” Ang weird naman kasi ni kuya, pwede namang after nung tawag ni Ian. Nakahihiya lang. Oo, inis pa rin ako kay Ian... pero syempre, gusto kong maayos namin 'to. 

“Tsk.Honestly, he has a point. Napaka-effortless ko. I am sorry. Let see each other tomorrow, uh? I really want to fix this, Aya. I love you. Sorry.”

“Sure! See you.” I ended the call. Parang nakakawalang gana na rin. I don’t know.


Sa totoo lang, naiisip ko na sana hindi na lang tumira si Kuya rito, sana hindi na lang kami pumunta sa reunion at sana walang Trystan Paolo Salvatorre na nanggugulo ngayon. Oo, alam ko naman na nagcacare lang siya pero sumosobra na ata. Pinsan ko lang siya, anong karapatan niyang gawin yun? Akala ko pa naman nagkakasundo na talaga kami.

Ѽ

Tapos na akong maligo at bumalik ako sa kwarto ko. Maaga nga pala ako papasok ngayon dahil may tatapusin pa kaming bulletin board. Napatingin ako sa side table ng kama ko at nakita ko ang isang platito ng brownies. Nilapitan ko ito, hindi naman ako nag-akyat ng brownies kagabi ah? Wala nga kaming brownies eh.


Nakita ko ang yellow na papel sa may gilid nito,napangiti naman ako. “Sorry, Aya. :’((“


Agad-agad akong sumilip sa may bintana.  Natanaw ko sa baba ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng bahay namin. Pinatutunayan niya talagang hindi siya effortless.  Bumaba ako at nilagay sa fridge yung brownies pero syempre, kumagat muna ako. Yum!

Hindi na ako nag-almusal o hinintay pa si siopao, lumabas na ako. Ayoko namang paghintayin si Ian.


“Good morning!” bati niya sa akin.

“Good morning.” I saw his sweetest smile once more. Napahawak siya sa batok niya na para bang nahihiya siya. I find him really cute.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon