[Ch.38] First Day

2.1K 45 9
                                    

I'll be editing 'yung mga naunang chapters. Sa Ch.1 lang magkakaroon ng medyo maraming pagbabago. The rest eh most probably gano'n pa rin, 'di naman kailangang i-reread. Naiirita kasi ako pagbinabasa ko minsan 'yung mga naunang chaps. Haha. Tska 'yung mga inconsistencies eklaber. 'Yon lang, pero di pa ngayon. Hanggang Ch. 5 pa lang kasi na-e-edit ko sa copy ko. 

Tama na muna ang kadramahan pagtapos nitong 38. Hahaha. Lapit na ng big leap :/

Belated Happy Chinese New Year! Xīn Nián Kuài Lè! :)

[Ch.38] First Day

// Ayanna's Point of View

“Ba’t parang lutang ka yata? Hindi nakatulog dahil masyadong excited?” tanong sa akin ni Ella habang tumatawa.

It’s barely an hour before our first class. Hindi ko rin kaklase si Ella sa first class ko dahil mas maaga ito ng thirty minutes kaysa sa gusto niyang ku’ning klase. Pati nga third class ay magka-iba rin kami. Medyo nakakakaba nga dahil panibagong mga tao ang makakasama ko pero hindi ko na rin masyadong naiisip ‘yon. Mas maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko.

True enough, I barely slept. Hindi nga lang iyon dahil sa first class namin. It was about a certain Paolo Salvatorre, all right. It’s been six days! Six freaking days since the day he decided to leave home—to leave me. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung paano ko pa nakayanan ‘yung mga nangyayari sa akin ngayon, e. I know myself. Hindi ako ganito katatag. Sanay ako sa monotony, sa simple… pero bakit kabaligtaran ang nangyayari ngayon?

Nanikip na naman ang dibdib ko dahil naalala ko na naman bigla ang nangyari noong pag-uwi ko noong hapong iyon…

“Ako rin nalulungkot dahil umalis na si Paolo, para ko na ring anak ‘yon!” sabi ni mama nang maka-alis na ‘yung mga tauhan ni Knave. I badly wanted to follow them. I wanted to see Paolo. I wanted to talk to him and drag him back here but I just couldn’t do that. Naiinis ako sa kaniya, that was the only thing I knew that moment.

“Bakit hindi man lang siya personal na nagpa-alam sa atin?” protesta ko habang pilit kong kinukubli ang emosiyon ko. Gusto kong mag-wala. Gusto kong sumigaw. I wanted to burst out! Hindi pa ba siya kuntento sa sakit na binibigay niya sa akin? Kahit man lang ba ‘yung makita ko siya araw-araw ay ipagdadamot niya sa akin? Kung mahal niya talaga ako, bakit niya ginagawa ‘to?

“Sabi niya sa telepono ay marami pa raw siyang inaasikaso. Dadalaw raw siya paminsan-minsan. Sabi ko nga sa kaniya, manatili na lang siya rito pero kailangan daw niya ng malapit na bahay sa part-time job niya.” Tinignan ako ni mama. “He didn’t need a job. Carissa and Jay could give him what he wants if there’s any. Kung hindi man, your papa and I are here as much as we are willing to give you what you need, Aya. That’s how it is, para na naming anak si Paolo.”

Napangiti ako nang mapait nang sandaling iyon. No, ma, you can’t give what we want. You can’t give what we need. Hindi niyo alam kung ano ang gusto namin at hindi niyo ‘yon maibibigay. You’ll oppose to it. You’ll denounce us. You could even hate—even disown me for it.

“Kaya pala siya pumunta sa Ilocos ay para kausapin ang Tita Lorraine mo kung pwede niyang ibenta ‘yung sasakyan. Lorraine didn’t want him to sell anything. Si Lorraine na mismo ang bibili ng sarili niyang unit. For now, kay Knave muna siya titira. See? He gets what he wants.” Mama let out a sigh. Siyempre, pinagbilin sa kaniya nina tita si Paolo. She wanted the best for him.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon