[Ch.7] Saturday

7.8K 164 17
                                    

[Ch.7] Saturday

// Ayanna’s Point of View

Pagbangon ko ay agad akong bumaba, dala dala ang brownies na iniwan niya sa lamesita ko. Shokoy na yun, nawiwili kakapasok sa kwarto ko pag natutulog ako ah! Didiretso na sana ako sa ref upang ilagay yung brownies doon, gusto ko kaing kainin yun tuwing malamig kaso hinarangan niya ako. Sino pa nga ba? Edi ang magaling kong pinsan.


“Gusto mo?” alok niya. Hindi ko man lang alam kung ano yung inaalok niya, nakabalot kasi ito ng plastic at may balot ding brown na paper sa loob.

“Eh ano ba yan?” tanong ko.

Unti-unti, inunrapped niya yung balot nung dala-dala niya, until masilayan ko ang laman noon.

Mga pandesal.


“Eh! Tigilan mo nga ako Kuya! Ayoko ng pandesal na yan!” tanggi ko. Pagtitripan na naman ako nito panigurado. Sa lahat ng pinsan ko, siya ata ang pinaka malisyoso. Para namang pagpapantasyahan ko yung patpatin niyang katawan na may anim na pandesal?! Naku, ayoko noh! Hindi naman ako immoral at siguradong mas appealing yung kay Ian dyan! Hahaha.


Si Ian... hindi ko pa nga pala siya nakaka-usap tungkol dun sa pagsisinungaling niya. But does he need to know that I founded it out? Hindi na siguro. Simpleng bagay lang naman yun at hindi na dapat pinalalaki, pero aaminin ko, in a way, nakakaturn-off. Hindi naman kasi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo, hindi ko pa nga siguro siya lubos na kilala, school mate ko lang naman siya. Ano nga bang malay ko kung paano siya makitungo sa mga kaklase niya, sa mga kaibigan niya, kung sino talaga siya. But that doesn’t mean I like him no more. I like him, yes I do. Like, that’s the word for now.


“Ayaw mo nito dahil gusto mo yung akin?!”

“Kuya?!” suway ko sa kanya. Baka mangamatis na naman yung pisngi ko nito!

“Just kidding, princess!” Princess.

“Eh? Si mama?” tanong ko. Karaniwan kasi pag ganitong Sabado ay maabutan ko si mama sa kusina na nagluluto ng almusal pero hindi ko siya matanaw roon o maamoy man lang yung bango ng niluluto niya.

“Andun sa taas, nag-aayos ng gamit nila ni Tito, hindi mo ba alam na aalis sila mamayang hapon?”


“Hah? Saan sila pupunta? Bakit di sinabi sa akin? Naman oh!” gulat kong tanong. Hindi ko alam na aalis silang dalawa at himala, bakit hindi ako kasama? “Dami mong tanong.”

“Dalawa lang yun ah!”

“More than one is many.”

“Sa sobrang dami, kahit isa wala kang sinagot. K, ako na lang magtatanong sa kanila, wala ka talagang kwenta kausap, Siopao!” inilagay ko yung brownies sa ref at agad umakyat sa kwarto nina mama at papa.

Ѽ

“Ma?” katok ko sa pinto.

“Oh, Aya, pasok ka.” I opened the door and found her folding her clothes then puting them into a bag.

“Saan kayo pupunta ni papa? You duidn’t tell me abou this, ma.”

“Biglaan kasi, kagabi lang kami tinawagan ni Tita Joanne mo, alam mo naman yung kapatid ng papa mong yun, matampuhin, hindi namin matangihan.”

“But you didn’t tell me.”

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon