[Ch.14] Questions

5.8K 108 22
                                    

[Ch.14] Questions

// Ayanna's Point of View

"Ayan ah, bumawi ako sa'yo as promised. Belated Happy birthday uli, kuya!" muli kong bati sa kanya, ilang ulit ko atang inulit-ulit ang mga salitang iyan ngayong araw.

"Thank you, princess. Pinasaya mo talaga ako ngayon." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. I hugged him back. I could feel his warmth, ang bilis at lakas ng kabog sa dibdib ko.

Sa tuwing kasama ko si kuya, nakakaramdam ako ng kakaiba. Una, iba iyong nararamdaman ko pag kasama ko siya, hindi katulad ng nararamdaman ko sa tuwing kasama ko yung iba naming mga pinsan. Pangalawa, feeling ko nagtataksil ako kay Ian.

Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko.

***

Calling... Ian

Tumingin ako kay kuya at sinenyasan na may kakausapin lang ako sa phone. It was Ian. Bakit kaya siya napatawag eh nagkita naman kami kanina sa pastry shop?

"Hello, Ian," masigla kong bati sa kanya. Napakaganda kasi ng araw na ito para sa akin. Siguro'y dahil nakapagbonding kami ni kuya.

"Aya, I need to go now... Pasensya na't di ko nasabi kanina. I'm going to LA." Malungkot siya, naramdaman ko iyon sa boses niya. Sa totoo lang, nakaramdam din ako ng lungkot. Alam ko kasing mamimiss ko siya. Nakaramdam din ako ng inis, bakit kasi hindi niya sinabi sa akin agad? Akala ko sa isang linggo pa siya aalis. Hindi ko man lang siya nabigyan ng oras at atensyon, nagmamadali pa ako kanina noong magkasama kami para pagka gising ni kuya ay naroon na agad ako.

Sana siya na lang yung sinamahan ko.

Sana hindi na lang ako nagmadali.

Hindi iyon dahil mas matimbang si Ian kaysa kay kuya, pero marami pa akong oras na maari kong makasama si kuya. Pero si Ian... wala na pala.

Oo, gusto kong magalit dahil hindi niya agad sinabi, pero anong magagawa ko? Anong karapatan ko? I should have cherished each moment that I was with him. Tanda ko pa noon yung puntong lahat ng efforts niya ay pinahahalagahan ko. Lahat na-aapreciate ko. Ganun pa rin naman ngayon, pero may ilang mga bagay na talagang nagbago nang hindi ko sinasadya.

"Bakit?" ang tanong na iyon na lamang ang nasabi ko. 

"Minadali kasi nina mom at dad yung pag-alis ko. Aya, sorry. Sorry." Alam ko namang may problema yung parents ni Ian, hindi ko alam yung mismong dahilan pero naikwento ni Ian na nagalit daw kasi yung mama niya sa papa niya. 

Huminga ako ng malalim. Dapat kong intindihin si Ian. Alam ko namang hindi niya rin iyon ginusto. What happened was beyond his control.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Mag-iingat ka. Hihintayin ko ang pagbabalik mo."

"Aya, salamat pero sa pagbalik ko, may babalikan pa ba ako?" Napahinto ako sa tanong niya. Ilang linggo ba siyang mawawala? Buwan? Taon? Maraming maaring mangyari sa span ng oras na iyon. 

"You have my word, Ian." Kailangan kong piliin kung ano ang tama.

Nasa airport siya noong mga oras na iyon. Ang huli naming pag-uusap dito sa Pilipinas. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili roon. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako maghihintay.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon