[Ch.30] Alpha

2.8K 46 5
                                    

[Ch.30] Alpha

// Ayanna's Point of View

 

"Sino 'yung kausap mo?" tanong sa akin ni Ella habang lumilinga-linga pa siya mula roon sa bench na kinauupuan ko. Lumingon din ako sa kinauupuan ko kanina. Nakita ko na naroon pa rin si Tito Jaime. This time, nakikipag-usap naman siya sa mga batang naglalaro malapit doon. Hawak-hawak pa niya 'yung isang maliit na pulang bola. Bakas sa mukha niya ang sayang nararamdaman niya, or at least that was what I think I saw. 

"Volunteer din ata rito," sagot ko. I assume volunteer din kasi siya. "Tito Jaime ang pangalan," I added. Tumango naman sina Ella at Liz. 

"Tara na sa loob," aya ni Liz sa amin. Pumasok na kami sa loob. Dahil nga nakasalubong ko si Sister Rosie bago ako pumasok sa orphanage na ito, alam kong wala siya. Hinintay na lang namin siya roon tulad ng sabi ng isang katiwala. 

"Lapit na ng graduation! Practice na lang bukas, 'no?" sabi ni Liz habang naka-upo kami sa mahabang upuan sa may labas ng opisina ni Sister. Tumango kami ni Ella. Oo, sa Friday na kasi 'yung graduation namin kaya wala na kaming aalalahanin. Puro practice na lang this coming week. "Hay, ang hirap siguro sa college," napabuntong hininga si Liz.

"Ikaw kasi eh! Bakit mo pinasa 'yung entrance exam sa State U! Yan tuloy, di tayo magkakasamang magkakaroon ng loyalty award!" pabirong sabi ni Ella bagaman bakas sa boses niya ang lungkot. Si Liz lang kasi ang mahihiwalay sa amin.

"Kung hindi ko pinasa 'yun, sa Canada ako pag-aaralin ng parents ko. Diba mas malala 'yun?" sabi ni Liz. "At least dito hindi dagat ang pagitan,” she tried to give us a smile. 

"Tama na nga 'yang drama niyo," singit ko sa nagdadrama kong mga kaibigan.  “Magki—“

"Ate Aya!" napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Nakita ko naman bigla si JJ na nagmamadaling lumalapit sa amin. "Namiss po kita," bigla niya akong niyakap sa puntong nakalapit na siya sa akin. 

"Aww, namiss din kita, JJ!" sabi ko habang hinihimas ang ulo niya.  Siya kasi ‘yung naging alaga ko noong naglove drive kami rito.

"Ang tagal niyo naman po bago bumalik, ate!" may halong pagtatampo ang tono ng pananalita niya. Bahagya akong yumuko para nailevel ang mukha ko sa milha niya habang naka-upo ako at nakatayo naman siya. "Katatapos lang kasi ng exams namin, JJ." He pouted.

"Sige na, bes. Makipaglaro ka na muna sa kanya. Kami na bahala na hintayin si Sister Rosie." Ngumiti ako at nagpadala as panghahatak sa akin ni JJ.  

I played with him for about an hour or so. Hindi naman ako nakikisabay sa pagtakbo niya dahil tamad-tamad din ako sa takbuhan.

"Ate Aya! Look oh, ang ganda ng toy ko diba?" sabi niya habang pinapakita niya sa akin ang laruan niyang robot. Nakatutuwa talaga si JJ. Ang cute cute niya kasi at ang sarap sarap pisilin ng pisngi niya.  Katatapos lang naming ipamigay sa mga bata ‘yung mga laruan na donation ng tita ni Liz, yung mga notebooks, books and cash ay kina sister muna ibinigay.

"Wow, ang ganda nga! Kanino galing?" tanong ko naman. 

"Kay Tito Jaime! Ang bait niya po 'no?" Naalala ko tuloy 'yung maiksi naming pag-uusap ni Tito Jaime.  Luminga-linga ako sa labas para tignan kung naroon pa siya pero wala akong nakitang lalaki roon.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon