[Ch.10] Paolo and Abby

7.8K 129 16
                                    

[Ch.10] Paolo and Abby

// Ayanna’s Point of View

Tinignan ko siya sa mga mata niya. Parang napaka-gloomy ng mga ito. Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang sinabi niya. Nakita ko sila ni Ate Abby kagabi, parang wala namang problema pero ngayon anong sinasabi niyang ginamit niya si Ate Abby?

“Hey. Don’t look at me as if I’ve killed someone!” he lauged. Ngunit kahit nakita ko siyang tumawa ay iba pa rin yung emosyon na pinapakita ng mga mata niya. He could pretend with the way he reacts but not with the way his eyes shout its emotions.

“Used her? Bakit?” iyon lang ang nasabi ko, I don’t know the both of them that much but I don’t think kuya could ever do that.

“Alam ko namang impossible, pinilit ko pa rin. Kaya ikaw, Aya, be careful with everything you do. At kaya narito si kuya para subaybayan ka so you wouldn’t commit mista—ugh. I mean, you would be able to avoid commiting mistakes. I’m always here for you,” he said those words directly into my eyes. Yeah, lahat naman tayo magcocommit ng mistakes, constant variable na yun, but there’s always a way to avoid them. Sa totoo lang natutuwa ako kay kuya, feeling ko safe na safe ako sa tuwing siya ang kasama ko though nalulungkot din ako sa kanila ni Ate Abby. They really looked good together, nanghihinayang lang ako sa kanila.

“Kuyang kuya na talaga kita ah.” Natuwa naman ako kay kuya. Kung iisipin kas, hindi maganda ong naging simula namin pero tignan mo na naman, siya pa pala yung magiging 'kuya' ko na laging nariyan para sa akin. Minsan nga naiisip ko na sana may kapatid na lang ako... pero kahit hindi nangyari iyon, at least may Kuya Pao ako.

“Yeah, I can be your cousin, your friend, your bestfriend, your teacher... and I can be your dad at times, too!” 

“Thank you, kuya,” I gave him a quick peck on his left cheek. Wait, did I just see him blush? Eto na naman yung kabog sa dibdib ko, bakit ganun? Nararamdaman ko lang ito sa tuwing si kuya ang kasama ko.

“Pero kuya, anong nangyari sa inyo ni Ate Abby?” tanong ko sa kanya, hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano 

“Abby? She’s the nicest girl I have ever met,” sa tono ng pananalita niya ay talagang kilalang-kilala na niya ito, sa tanong may halong pait at saya sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Ate Abby.  If she’s the nicest girl, why did he use her? For what? In what way? “And you know what? She was actually m—“ Biglang napahinto si kuya sa pagsasalita ng may narinig kami, hindi ko ring tone iyon, “may tumatawag ata sa’yo.”

Hinugot niya ang cell phone niya sa bulsa niya, “Excuse me,” at pumunta siya sa may kitchen. Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa cartoons na pinapanuod ko.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na rin siya. Umupo siya sa tabi ko, tinitigan niya ako na para bang may inaantay siyang sabihin ko. “Busy ka?” tanong niya.

“Mukha ba akong busy?” Nakita naman kasi niya na naka-upo lang ako at nanunuod sa television at sinasayang ang oras sa pakikinig sa kanya, mukha bang abalang-abala ako?

“Tinatanong kita ng maayos, princess.” Biglang naging seryoso iyong tono niya habang namutawi ang mga salitang iyon sa bibig niya. Ang sa akin lang naman kasi, bakit pa niya kailangang itanong ang sagot sa isang bagay na nakikita na niya.

“Eh, hindi. Wala namang homeworks.”

“Sama ka?” tanong niya sa akin.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon