♡ 1 ♡

6.5K 171 300
                                    

Chapter 1

TAKE A BREAK

《 ♡♡♡ 》

(Willa's POV)

Isa sa mga pangarap kong gawin ay ang maglakbay at maglibot sa mga sikat na probinsiya sa Pilipinas kaya naman nasa Palawan ako ngayon. Hindi ito ang first time ko rito. Pero dahil hindi naman tungkol sa trabaho ang dahilan kung bakit ako bumalik, pakiramdam ko, first timer ako. No'ng unang beses kasi akong pumunta rito, mayroon akong dinaluhang forum. Tumagal lang ako ng dalawang araw. Hindi na ako nagkaroon pa ng panahong magliwaliw at makita kahit man lang sana ang ipinagmamalaki nating mga Pinoy na Underground River. Hindi na rin ako nag-request pa for extension ng aking stay para sana sa personal purposes dahil naisip kong matatambakan lang ako ng trabaho.

Nagtatrabaho ako sa isang rural bank sa Laoag bilang New Accounts Officer. Tatlong taon na rin ako roon. Naranasan ko na ring magtrabaho sa isang commercial bank pero hindi ko kasi masyadong kasundo 'yong mga empleyado roon kaya nag-resign ako. Umabot din ako ng isang taon bago ako nagdesisyong mag-quit. Inisip ko rin dati na siguro dahil medyo fresh pa ako from school environment kaya no'ng napasabak na ako sa trabaho, parang nangangapa pa ako.

Okay lang sana kung cooperative ang mga staff na gaya ko pero parang hindi naman sila nakaka-inspire kaya I just gave it up. Hindi nga lang talaga madali ang maghanap ng trabaho. Kinakailangan talagang matiyaga ka kasi hindi naman lahat ng kompanyang pag-a-apply-an mo ay may bakante o kung mayroon man, baka hindi ikaw ang makuha. Pero dahil isa naman akong dedicated at motivated na tao, nakakuha rin ako ng trabahong tamang-tama para sa akin.

Buwan ng Abril ngayon at ito ang birth month ko. Nag-request ako ng vacation leave for five days sa boss ko at wala naman siyang angal, he approved it. Sabi nga niya, deserving talaga akong magbakasyon kasi hindi ako ang klase ng empleyadong leave nang leave. Natuwa naman ako dahil hindi ako nagkaroon ng problema regarding sa leave application ko.

Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang matapos ang Mahal na Araw kaya kahit panahon pa ng bakasyon, kumportable pa rin akong nakapagbiyahe. Sa sobrang excitement ko, hindi ko na ininda ang sampung oras na biyahe mula Laoag to Manila. Diretso na agad ako sa airport to just wait for my flight.

At ngayon ngang kalalabas ko pa lang ng eroplano, mas naging excited pa ako lalo. Pinlano ko talagang umalis ng Laoag on a Friday night para before lunch ng Saturday, nasa Palawan na ako. Bakasyon grande talaga ako kasi 'yong five-day leave ko, Monday-Friday 'yon. Sunday night the following week ang flight back ko to Manila. Tapos diretso sa bus terminal at magre-report na ako ng Monday. Diretsahan na. Pero ayos lang sa akin. Basta, deserve ko 'to. Bale walong araw rin akong makakapag-relax.

Mahalaga ang bakasyong ito sa akin dahil sa loob ng dalawampu't apat na taon ko sa mundo, ngayon lang ako makaka-experience ng bakasyong ganito kalayo. At mag-isa pa ako. Walang pamilya o kaibigang kasama.

"Ma'am, tricycle po?" Lumapit sa akin ang isang lalaking nasa late fifties na siguro. At dahil wala naman akong sundo at diretso na lang ako sa hotel kung saan ako nagpa-book, kinausap ko na rin siya.

"Oho, manong. Sa Hotel Rosemarie po sana," sagot ko. Kitang-kita ko ang kabutihan ng driver na lumapit sa akin. Hindi siya bastos sumagot sa mga tanong ko tungkol sa pamasahe. Magalang din niyang kinuha ang mga gamit ko at isinakay sa kanyang tricycle.

"First time niyo po sa amin, Ma'am?" tanong niya habang kami ay nasa biyahe.

"Pangalawa po, Manong. Pumarito po ako last year," sagot ko sa kanya.

"Ma'am, pasensiya na po kayo pero gusto ko lang po sanang ibigay sa inyo ang cell phone number ko," nahihiyang saad ng driver.

Ako naman ay nagtaka, siyempre. "Ho? Para saan po, Manong?" tanong ko sa kanya. Gulat pa rin ako sa sinabi ng driver.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt