Special Chapter (1b)

1.3K 37 114
                                    

Nakapasok na kami ni Blake sa hotel reception at nag-uunahan kaming makarating sa pinakadulong function hall para puntahan si Sean. Katatawag kasi nito kay Blake para ipaalam na libre na raw ito. Hindi kasi ito puwedeng istorbohin dahil ito ang organizer ng music event mamaya. Ibang klase talaga ang circle of friends ko. Yum na yum! Este, aprub na aprub pala! Mga bigatin kaya feeling bigatin din ako kapag ganitong kasama ko sila.

"Mowdel"-photographer, checked! Record producer, manager and tiger, checked! Hotness overload hotel manager, pak check!

"Matalo ang manlilibre ng snacks ha?" wika ni Blake.

"Huwag! Si Sean ang manlilibre dapat. Pinaghintay niya ang kagandahan natin," mabilis kong sagot.

"Eh ano ang punishment ng mahuhuli?"

Sasagot na sana ako nang biglang may sumulpot na babae sa harap namin ni Blake. Sabay pa kaming napakislot ng kasama ko.

"Ah... h-hello, B-blake," nauutal na bati nito sa kasama ko. Inilahad nito ang kamay saka ngumiti. "I'm Grachelle Cervantes. One of your fans."

Bumulong ako sa katabi ko. "Aba, may fandom ka na rin, Blake. Sa wakas may nakapansin na sa'yo." Aside kasi sa pagiging photographer ay model din si Blake ng ilang commercials for men shampoo, perfume and clothing brands.

Ngumiti ang kasama ko saka tinanggap ang pakikipagkamay ng babaeng halatang-halata ang pagpapa-cute.

"Oh, hi, sweetheart." Magiliw ang pagbati ni Blake dito.

Abot-tainga naman ang ngiti ng kaharap namin. "Alam mo, ang tagal kong inasam ang moment na ito. I didn't expect na makikita kita in person. You know, I had a crush on you when I was in high school. Gosh! Ang guwapo at ang hot mo kaya."

Hala siya! Walang preno ang bibig ng isang 'to. Kailangan talagang i-announce na naging crush mo siya? Ano ang kasunod? Magpo-propose naman ito?

Napatawa nang mahina si Blake. Kahit kailan talaga walang nakatatakas sa charm nito. Palibhasa laging mukhang mabango at bagong ligo.

"Puwede bang magpa-picture with you?" Nagsalita ulit ang kaharap namin.

Oo nga naman! Palalampasin pa ba nito ang pagkakataon?

"Sure," sagot naman ng katabi ko.

Lumayo ako nang kaunti para makapag-moment ang dalawa. Doon ko lang napansin ang isang lalaking kasama yata ng babae. Ito ang inutusan nitong kumuha ng picture nila ni Blake. Humirit pa ng picture ang dalaga habang nakasimangot na ang lalaking kumukuha ng litrato gamit ang cell phone.

Hmmmm. Hindi nalalayo ang edad nila sa isa't isa. Mukhang may something 'tong dalawang 'to.

Natigil ako sa panonood nang kausapin ako ng babae.

"Can you join us? Artista ka rin ba?" tanong nito.

Umiling ako at natatawang sumagot. "Hindi ako artista. Sadyang maganda lang talaga."

Natawa rin ito sa sagot ko. "Ay, sorry ha? Akala ko kasi k-pop ka. Anyway, join ka na sa amin. Ano nga pala ang name mo? Hindi naman ikaw 'yong asawa ni Blake, 'di ba?"

Aba. At updated pa ito sa married life ng unggoy. Research pa more, hija!

Kikay stalker in the house!

Si Blake na ang sumagot sa dalaga. "Siya si Willa. Siya ang baby girl namin. Obvious naman sa height, hindi na lumaki."

Napatawa tuloy ang babae. Inirapan ko si Blake. "Grabe ka sa akin ha? Anyway, ako ang baby girl nila saka ako rin ang goddess of love nila. Nice to meet you, fangirl."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now