♡ 14a ♡

1.9K 65 60
                                    

Chapter 14

CONFESSION NIGHT

《 ♡♡♡ 》

(Willa's POV)

Alas otso y media na ng gabi at nasa kuwarto na ako. Inihatid ako ni DM kanina pagkatapos naming kumain kasama sina Blake at Sean. Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi naman ako dalawin ng antok. Kahit pa alam kong jam-packed ang araw na ito, hindi ko maramdaman na pagod ako at kailangan ko nang magpahinga.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko at kasalukuyan akong nakatitig lang sa aking screen kung saan may mga message na nagdaratingan.

We need to talk. Sagutin mo naman ang mga tawag ko.

Kahit pa hindi ako sumasagot sa kanyang mga tawag at text, patuloy pa rin siyang nagse-send ng message.

Willa, hindi natin 'to habambuhay na matatakasan. Mag-usap tayo.

Marami pang mensahe ang nagdaratingan pero hindi ko pa makuhang mag-reply sa mga oras na 'to. Oo nga't parang nabawasan ang dinaramdam ko sa loob dahil kay DM pero hindi pa ako handang humarap sa mga naiwan kong alaala sa nakaraan.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumunog ang doorbell.

Nagtatalo ang isip at puso ko kung bubuksan ko ba ang pinto. Alam kong si DM ang nasa labas pero nakakaramdam ako ng agam-agam dahil sa nangyari sa akin kanina.

Pero higit pa man, I felt happy and safe with DM by my side. At doon ako natatakot. I was starting to feel just like how I used to feel with someone before. I felt some magic and made some rain but when everything was falling into the right places, he decided to let me go. For the wrong reasons.

Pero itong kay DM, masyado yatang mabilis. Everything was happening so fast and honestly my guards are almost down. Isa pa, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag tapos na ang bakasyon.

So if I would go on with that thing with DM, aalis siguro ako ng Palawan with a broken heart. Another heartbreak story to keep, indeed.

Ding. Dong.

Ibinaba ko ang cellphone na hawak ko at tumungo sa pinto. I made a deep sigh.

Binuksan ko ang pinto at bumungad nga sa akin si DM at ang kanyang mga unan. Marami man akong agam-agam sa loob ko, nakuha ko pa ring tumawa.

"Sleepover again?" tukso ko.

"I thought you've changed your mind. Tinakot mo ako," seryoso niyang pahayag.

Kumunot ang noo ko. "Change my mind saan?"

"About us."

Hindi agad ako nakasagot. Parang may bikig sa lalamunan ko. "DM, sa totoo lang..."

"I want to know everything, Willa. Everything."

Tumingin ako sa mga mata niya at kahit pa madilim na sa labas, nakita ko ang aking sariling repleksiyon doon na para bang ako lang ang babae sa paningin niya.

Iniluwang ko ang pinto at pumasok naman siya. Pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko bago pa man niya mapansin.

Umupo siya sa kama at agad ding nagsalita.

"Did something terrible happen to you? Why did you act like that all of a sudden, Willa?"

Umupo ako sa kabilang side ng kama. Nakatalikod kami sa isa't isa.

"What happens after Palawan, DM?"

"Tell me your story."

"No! Answer me. What happens after Palawan?"

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now