BONUS

1.1K 45 14
                                    

(DM and Willa's Weeksary - just a funny part.)

"What are we gonna do here?"

"Naiwan ko kasi 'yung mga pampaganda ko."

"But you look okay."

"Exactly. Kanina lang sinasabihan mo ako na ang ganda-ganda ko tapos ngayon, I look okay na lang. Masyadong malayo ang difference."

"You still look pretty!"

Hinarap ko si DM at pinamaywangan. "Alam mo, tulungan mo na lang akong maghanap ng TRY ME!" Bigla naman akong natuwa nang makita ko ang isang rack kung saan nakadisplay ang ilang mga cosmetic products. Nasa isang part kami ng department store at hinila ko pa talaga si DM sa parteng iyon dahil sabi ko magre-retouch ako. Ayaw naman nito sa plano ko dahil nakakahiya raw. First time daw nitong makakaexperience na may kasama itong gagamit sa mga TRY ME products. Oo, 'yung mga sample gaya ng lipstick, blush on, eyeshadow, etcetera.

"Willa, don't! Nakakahiya!"

"Eh kasi nga sabi ko sa'yo naiwan ko 'yung kikay kit ko. Baby powder naman talaga ang gamit ko kaya lang wala namang sample 'yun." Hinila ko ulit ito, hinila rin ako. Tumawa ang ilang witness namin.

"I'll just buy you, okay?" Walang anu-anong kumuha ito ng mga products. Namumula na rin ito sa hiya. Naririnig at napapanood kasi kami ng ilang mga staff at customers pero kiber lang ako. Si DM ang super conscious. Talaga sigurong hindi sanay ang bruho. Ako naman ay gusto lang gamitin ang free. Libre na nga, 'di ba? TRY ME!

Nang makuntento sa mga nakuha, hinila nito ako sa may counter pero may nadaanan kaming mga TRY ME products din ng cologne. Kumuha ako ng isang bottle at dali-daling ini-spray sa akin. Mabilis ko ring ini-spray ang cologne sa damit niya.

"Willa! Stop!" Nanlalaki ang mga mata nito pero ngumiti lang ako. Kinuha nito ang bottle sa akin at ito na ang kusang nagbalik nito sa rack.

Narinig kong humagikhik lang ang mga staff at ilang customers na nakakita sa short movie festival namin.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now