Chapter 22 - SURPRISE, SURPRISE

1.4K 54 40
                                    

Chapter 22

SURPRISE, SURPRISE

(Willa's POV)

Alas diyes na ng umaga at pagkatapos kong kumain kanina ng agahan sa baba, bumalik ako sa kwarto ko. Hindi pa rin talaga ako maka-move on sa nangyari kagabi. Sa sobrang inis ko, nagdesisyon na lang ako na huwag umalis ngayong araw. Hindi na ako sumama sa tour na inihanda ng hotel, from my original plan, supposed to be ngayong araw. Kasama ko sana ang ibang mga guests din nila. I cancelled my participation as early as 5am kanina. Hindi pa talaga ako nakaka-get over! Mainit pa rin ang ulo ko.

Eleven thirty ng gabi pero wala pa ring sagot si DM sa sandamakmak na texts ko sa kanya. I already flooded him with messages asking him kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Alas diyes pa ako text nang text.

10:02 pm

WILLA: DM, nasa Manila ka na? :)

10:07 pm

WILLA: Ba't 'di ko pa matawagan ang cellphone mo? Baka naka-airplane mode ka palang.

10:12 pm

WILLA: Ano na??? Kanina pa nakauwi sina Blake at Sean, asa'n ka na ba?

10:20 pm

WILLA: $&$#@!&*(((^%%$#@!^&*((

10:34 pm

WILLA: Pagod ka ba?

WILLA: Tulog ka ba?

WILLA: Nasa bahay ka na?

WILLA: Kahit magreply ka lang ng K. TNX. BYE. Utang na loob!!!

10:50 pm

WILLA: Hope nakauwi ka safe and sound.

10:55 pm

WILLA: Matutulog na ako.

10:59 pm

WILLA: Matutulog na talaga ako.

Kahit pa sinabihan ko siyang matutulog na ako, hindi naman ako makatulog. Ang bilis ng karma. Parang kailan lang nu'ng tinutukso ko si Blake na papansin kay Lily dahil kahit madami siyang text sa isa, hindi naman pinapansin. Welcome to the club! Pero nang tinext ko sina Sean at Blake, sinabi naman ng mga ito na nasa bahay na siguro si DM.

SIGURO.

Marami ang namamatay sa maling akala.

Nagpabaling-baling pa ako sa higaan habang hawak ko ang cellphone sa kamay ko. Naghihintay ng kahit isang sagot lang mula kay DM. Nakalimutan na niya yata ang AFTER PALAWAN naming dalawa. My goodness! Buti pa kaninang tumawag si Nathan, ang saya-saya ko. Medyo matagal-tagal din kaming nagtsismisan ulit ng bestfriend ko. Tawa pa ako nang tawa kanina. Pero simula nang hindi ako sinasagot ni DM, siyempre, nag-alala ako. Hanggang sa halo-halo na ang nararamdaman ko. Pag-aalala, asar, inis. Gusto ko na talagang magtampo.

Hanggang sa may notification akong natanggap. Dali-dali ko itong binuksan.

11:36 pm

BLAKE: Guess where I am right nowwwwwwwwww. :) :) :)

Umikot lang ang mga mata ko. Sigurado akong nasa mabuting kalagayan si DM dahil hindi aabot sa tatlong smiley ang gagamitin ni Blake kung may nangyaring masama man sa kaibigan nito. Kahit 'yung close parenthesis na lang sana ang i-reply ni DM, okay na sa akin. Nag-type na lang ako ng reply para kay Blake.

WILLA: Nasa piling ng iniirog mo.

Nag-reply naman ito agad. Talagang nasa mabuting kalagayan nga ang kaibigan nito dahil nakukuha pa nitong makipagtsismisan sa disoras ng gabi.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now