Chapter 34 - THE PRESSURE

1.2K 46 30
                                    

Chapter 34

THE PRESSURE
(April 2017)

(Willa's POV)

May dalawang taon na rin kaming magkakilala ni DM at gaya nga ng mga long distance relationship na napapanood ko sa mga pelikula at teleserye, may mga panahon ding nagkakatampuhan kaming dalawa. Minsan maliit na bagay lang. Minsan naman talagang tinotoyo lang ako at pinapalaki ang simpleng tampo. Pero talagang very responsible siyang tao. Very gentleman. Hindi na umaabot sa isang linggo ang away namin kagaya noon. Ngayon nga ay pinakamatagal na ang isang araw. Natuto na nga kaming dalawa. Sanay na sanay na siya sa ugali ko at ganu'n din ako sa kanya. Hindi man kami laging magkasama, we always see to it na dalawang weekends in a month kapag dumalaw ang isa sa amin. Salitan na lang kami kung bumisita sa bahay ng isa't-isa. Mahirap pero masaya. Fiesta naman kapag mahaba-haba ang holiday o kapag natataon na long weekend kasi sulit na sulit lang ang bakasyon.

Ngayon nga ay nasa Manila ako at kasalukuyang tumutulong kay Tita Mariana sa kusina. Abala naman ang mag-aama sa study kung saan ino-orient nina Tito Daniel at Migo si DM tungkol sa gagampanan niyang duties and responsibilities sa kanilang negosyo.

Dumating din sa point na nagdesisyong mag-resign si DM sa hotel para tulungan si Migo with their firms. Noong una, makikitaan ito ng katamlayan dahil sobrang na-attach din ito sa naging trabaho niya for so many years. Hanggang sa unti-unti rin itong sumigla noong nabibigyan na siya ng background and history. Tinukso ko nga ito one time. Kako para siyang nakipag-break sa girlfriend niya. Una, nasa denial stage pa lang. Lungkut-lungkutan. Tapos moving on, marching forward naman. Hanggang sa natanggap na rin niya ang katotohanan.

"Willa, tawagin mo na ang mga three musketeers. Okay na ito." Wika ni Tita Mariana pagkatapos tikman ang nilutong sopas.

Sumaludo naman ako rito na parang sundalo. Nagtawanan lang kami pagkatapos. Pumanhik na nga ako sa taas at kumatok sa study. Pumasok na lang ako sa loob pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses.

"Hello, soldiers! Meryenda time na!" Masigla kong bati sa lahat. Napakunot naman ang noo ko nang makitang seryosong-seryoso si DM na nagbabasa sa isang annual report. Lumapit naman ako rito. "Aaawww. Kawawa naman ang pinakamamahal ko. Stressed ka na, my love?"

"Hayyy! Nagsimula na naman. Ako ang na-i-stress sa pagiging PDA ninyo." Wika ni Migo. Marahas naman akong lumingon dito.

"Mag-girlfriend ka na kasi para huwag kang bitter." Sagot ko naman dito.

"Bumaba ka nga muna. Ang gulo mo." Counter-attack naman nito.

Tumingin ako kay Tito Daniel. "Kung ayaw nila sa sopas, Tito, tayo na lang ang kumain. Hayaan na lang natin ang magkapatid na kumain ng numero. Baka mas nutritious pa ang numero para sa kanila." Bumaling naman ulit ako kay DM. "Pagbutihin mo 'yan, DM, ha? Baka sakaling mapaligaya ka ng mga numerong 'yan katulad ng pagpapaligaya ko sa'yo."

Tumawa naman ang Senyor sa inasal ko. Ibinaba naman agad ni DM ang report at agad-agad akong hinalikan nang mabilis.

"Wala. Ayoko sa numero kung nasa paligid ang prinsesa ko."

Ngumiti naman ako nang matamis. "Ayyyiiieee. Kaya love na love kita, eh!"

"Ugh! Rated SPG!" Komento naman ni Migo at hindi nga nagtagal, tumayo na ang lahat. Sabay-sabay kaming bumaba.

"Ano ba naman kayo? Pinaghihintay niyo pa talaga ang pagkain?" Bungad sa amin ni Tita Mariana nang makapanhik na kaming lahat sa dining room.

Umupo na nga kami at gaya ng inaasahan, sarap na sarap ang lahat sa sopas na inihanda ni Tita. Lumipas ang ilang sandali at tapos na kaming magmeryenda.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now