♡ 14c ♡

1.4K 61 56
                                    

"Twenty ka na at twenty one na ako. Bakit kailangan pa ng maraming process para lang sumama ka sa akin sa Davao? Two days and one night lang tayo ro'n. Kasama si Mama at si Nathalie. Ano'ng problema?"

Nasa kuwarto ko si Nathan at para na naman siyang haring utos nang utos. Pero dahil masakit ang ulo ko dahil may buwanang-dalaw ako, hindi ko siya makuhang sagutin dahil alam kong giyera lang ang aabutin naming dalawa.

Saka lang ako nagkaroon ng energy na makipagtuos sa kanya nang makita kong hinahalungkat na niya ang mga damit ko at siya na mismo ang naglalagay sa maleta ko. Bumangon agad ako at tinungo siya. Inagaw ko sa kanya ang mga damit at isinauli sa cabinet ko.

"Ano ba'ng problema mo at nanghihimasok ka sa kuwarto ko?! Umalis ka na nga!" Saka ko siya hinila palabas ng kuwarto pero nang makarating na kami sa pinto, isinara niya iyon at ini-lock mula sa loob.

"Punyeta, Willa! Bakit hindi mo na lang kasi sabihin 'yang nararamdaman mo at hindi ganitong nang-aaway ka?"

"Ako talaga 'yong nang-aaway? Sino ba 'tong talak nang talak kanina pa? Eh hindi ba ikaw? Hindi na nga ako nagsasalita pero ang kulit mo pa rin!"

"'Yan na nga ang problema. Hindi ka nagsasalita."

"Eh kasi nga masakit ang ulo ko. Mag-aaway lang tayo kung papatulan ko 'yang katopakan mo. Kaya puwede ba, Nathan? Umalis ka na muna at tatawagan na lang kita."

Tumawa siya nang pagak. "Ilang beses mo na bang ginagamit 'yang TATAWAGAN NA LANG KITA sa akin? Akala mo ba hindi ko napapansing iniiwasan mo ako? Si Chynna na lang lagi ang kasama mo. Si Chynna na lang din ang lagi mong kasabay sa lahat ng pagkain. Kung may sinasabi ako, lagi mong sagot na kasama mo si Chynna o may lakad na kayo ni Chynna. Umamin ka nga sa akin, Willa. May problema ka ba sa akin?"

Tinalikuran ko siya sa point na 'yon. "Wala akong problema sa'yo."

"In love ka ba sa akin?"

Hindi naman ako nakasagot sa tanong niya. Nabigla ako at hindi ko inasahang manggagaling sa kanya 'yon. Buti na lang nakatalikod ako sa kanya dahil sa reaksiyon ko siguro ngayon, alam na niya ang sagot.

Naramdaman ko na lang na may kamay na pumihit sa akin para lang magkaharap kaming dalawa.

"Are you in love with me?" Seryoso pa rin ang mukha niya at hindi ko alam kung ano ang inaasahan niyang sagot mula sa akin.

"Ano bang sinasabi mo?!" Nagkunwari na lang akong nagsusungit.

"Oo o hindi lang ang sagot."

"Hindi." Tinatagan ko ang loob ko at pinilit na sinalubong ang mga mata niya.

Hindi naman siya agad nakasagot. Pero ilang sandali pa ang lumipas... "That's too bad for me then. Because I'm in love with you."

"Just imagine kung ano ang reaksiyon ko noon, DM. Pati ako hindi ko na rin maalala. Kasi baka kako nagjo-joke na naman siya at iinisin lang niya ako lalo so I didn't say a word after his revelation. Parang na-freeze na lang ako. Pinanood ko na lang siyang umalis sa kuwarto ko. Saka ko lang naramdaman na magical pala 'yong feeling no'ng bumalik siya kinagabihan. Hindi na siya 'yong seryoso na galit. Bright and shining na 'yong aura niya. So to cut the story short, napa-oo niya akong sumama sa Davao. So we stayed there and we made beautiful memories together."

Nasa part kami ng dalampasigan kung saan wala masyadong tao. Nagpaiwan kaming dalawa kina Tita Sally at Nathalie na nauna na sa hotel. Pinapanood namin ang sunset.

"Since when, Willa?" Nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita. Magkatabi kaming nakaupo sa buhanginan.

"Anong since when?" nagtataka kong sagot.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon