Chapter 35 - TO PLAN AHEAD

1.2K 45 36
                                    

Chapter 35

TO PLAN AHEAD

(Willa's POV)

Walang ano-anong binuksan ko ang gate at dumiretso sa pangalawang pinto ng building. Sumalampak na lang ako sa sofa. Lumabas naman ang isang pigura mula sa kusina at sa gulat, nabitiwan pa nito ang hawak na sandok.

"Susmaryosep! Kanina ka pa?" Yumuko si Chynna at kinuha ang sandok sa sahig. "Nakakagulat ka naman, girl! Kasama mo ba si DM?"

Umiling naman ako.

"Ha? 'Di ba niya schedule ngayon? Nag-away ba kayo? Mukhang may pinagdadaanan ka ha."

Huminga naman ako nang malalim. "Bukas kasi ang pinto kaya pumasok na lang ako."

"Ah, oo. Kalalabas lang din kasi ng mag-ama ko. Nagpabili ako ng mga gulay sa palengke."

Tumingin ako rito. "Busy ka ba?"

"Hindi naman masyado. Okay lang. Ano ka ba naman? Kelan pa ako naging busy sa'yo? Gusto mo ng maiinom?"

Umiling ako. "Mamaya na. Nagluluto ka ba? Tulungan na lang kitang mag-prepare habang nagkukwento ako."

"Mabuti pa nga. I-lock mo muna 'yang pinto saka ka sumunod sa kusina."

Ginawa ko naman ang utos nito saka ako sumunod. Ibinigay naman niya agad sa akin ang isang bungkos ng sitaw.

"Bakit? Nag-away ba kayo ni DM? Bakit wala siya eh siya ang visitor ngayon?" Nagsimula ring maghiwa ng karne ang kaibigan ko. Alam kasi nito ang schedule ng arrangement namin ng boyfriend ko. Minsan din kapag nasa amin si DM, dinadalaw namin sila ni Popoy.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko nga alam kung nagtatampo lang siya o galit na talaga. Alam mo ba noong huli akong pumunta sa kanila? Hindi masyadong maayos ang treatment niya sa akin. I mean, hindi katulad dati na malambing at palangiti sa akin. Nag-iba 'yung pakikitungo niya. Hanggang ngayon hindi niya ako masyadong pinapansin."

"Baka naman may... alam mo na. Chika babe. Charing lang! Mukha naman siyang matino."

Umiling ako. "Alam mo, Ching, sigurado akong ako ang dahilan kung bakit nagkakaganu'n siya. Hindi ko pa kasi nakukwento sa inyo ni Nathan pero nu'ng last na pumunta si DM sa bahay, he almost proposed to me."

Napamulagat naman ang kausap ko. "Ano?! Paano? Bakit almost? Teka, teka. Oxygen!" Itinigil nito ang paghiwa sa karne at pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. "Detalye, please!"

Lumungkot naman ang mga mata ko. Talagang isang buwan na yata akong malumbay. Ang bagal ko na ring maka-pickup ng mga jokes. Lagi akong huling nag-re-react kapag may nag-jo-joke.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "Hindi ko rin kasi inasahan na parang sabay na nagpahiwatig ang mga parents namin ni DM tungkol sa pagpapakasal at pagkakaroon ng baby, as in apo nila. Akala ko noon, okay lang. Happy lang kasi lagi ko namang sinasabi sa iyo na gusto kong mapangasawa si DM, 'di ba? Pero nag-iba na lang 'yung pag-iisip ko noong naririnig ko na sina Papa, sina Tito at Tita na mga ganu'n na ang sinasabi. Parang may mabigat sa dibdib agad-agad. Alam mo 'yun? Hindi ko makuha pero basta. Bigla akong nag-iba. May nag-iba sa loob ko."

"Girl, na-pressure ka, ganu'n?"

"Oo! 'Yan na nga!" Mabilis ko namang sagot. "Na-pressure ako. As in. Oo, tama. Na-pressure ako."

"And then? Nag-propose na siya, almost?"

Tumango ako pero bigla ring umiling. "Ewan. Nag-usap kami konti pero sabi ko sa kanya, I was really honest when I told him na hindi pa ako ready. Na before ako mag-settle down, may gusto pa akong gawin, ganu'n. Saka sinabi ko rin na ang gulo ng sitwasyon namin kapag ikakasal kami, paano si Papa kung iiwan ko? Paano na rin 'yung trabaho niya kung siya 'yung pupunta rito, 'di ba? Kaya sinabihan ko siya na sabihan na lang namin ang parents namin na hindi pa kami handa. Ayun."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now