Special Chapter 2 (SPG?)

1.5K 34 33
                                    

(Willa's POV)
January 2018

Tatlo. Three. Tallo in Ilocano.

Pangatlong gabi na akong Mrs. Willa Madariaga-Fontanilla. Masaya ba? Siyempre naman. Ang kislap kaya ng wedding ring ko. Pero mas masaya ang masilayan at makasama araw-araw ang aking sinisinta, iniirog at minamahal. Si DM na talaga ang kumukumpleto sa puzzle ng buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit tumitibok-tibok nang mas bongga ang aking puso.

Si DM ang sparkle ng aking kaharian. Siya ang pinakamamahal kong hari sa aming palasyo. Siya lang ang nag-iisang nagmamay-ari sa aking kabuuan. Every single cell of my body is happy because of him. My husband. Yyyyiiiieeee.

Nakakakilig. Umaabot hanggang kidney at liver ang kilig na nararamdaman ko. Lampas na sa tainga ang aking ngiti nang biglang mahagip ng aking mga mata ang wall clock sa lobby ng hotel kung saan kami magche-check in ng aking asawa. Bigla akong napangiwi.

"Oh my gas, Willa. Kaunting kembot na lang at alas siyete na naman ng gabi," bulong ko sa aking sarili. "Ano na naman ang drama natin ngayon, self? Isip."

Well, wala akong problema kapag daytime. Siyempre maliwanag. Busy ang world. Maraming puwedeng gawin. Kembot dito, kembot doon.

Pagkatapos ng aming kasal ni DM three days ago na umabot na hanggang 11pm ang party-party sa reception, sa bahay kami dumiretso. Kaming dalawa lang ang umuwi. Sa hotel nag-stay ang lahat ng bisita pati si Papa kaya naman nawindang ako.

Imagine, kaming dalawa lang ni DM noon sa bahay! Wow!

Doon din kami mamamalagi bilang mag-asawa dahil ayaw kong iwan si Papa. Tinanggap ni DM ang aking plano na pansamantala ay doon muna kami sa bahay para makasama si Papa. Oo na yata lahat basta lang mapakasalan ako. Yay!

Pero 'yong first night talaga namin ni DM! Grabe! Hindi ko kinaya! Bakit gano'n? Ano'ng nangyari sa reproductive system ko?! Bakit biglang umatras ang kalandian ko?

Dahil hindi ko maibaba ang zipper ng suot kong dilaw na gown na ginamit ko sa huling isang oras namin sa reception, bumaba ako at tinungo ang banyo. Nandoon kasi ang aking mister. Naks. Nararamdaman kong mukha na akong kamatis sa pamumula. Ang kilig ko ay umaabot sa gulayan.

Dahil bahagyang nakaawang ang pinto ng banyo, tumayo ako sa harap nito. "DM ko, pakibaba naman 'yong zipper nitong gown ko."

"What, baby?" Narinig ko namang sagot niya sa loob.

"Pakibaba ang zipper ng go--" Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nang biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang asawa kong naka-brief lamang.

Napalunok ako nang maglakbay ang aking mga mata sa kanyang dibdib pababa sa kanyang abdomen at pababa pa sa kanyang ano. Wow.

Bakit parang galit? Bakit parang baril na nakatutok sa akin? Ano'ng kasalanan ko?

Lumakas ang tibok ng aking puso at naramdaman kong tumagaktak ang pawis mula sa aking noo.

"Baby?" Lumapit sa akin si DM kaya naman napaatras ako. Para na yatang naka-glue ang aking paningin sa kanyang greatness. At habang lumalapit siya, parang palaki naman nang palaki iyon.

"Oh my God." Hindi ko alam kung nakarating iyon sa pandinig ni DM pero narinig ko siyang tumawa nang mahina.

Believe it or not, first time kong makita nang ganito si DM. Yaman na yaman na ang mga mata ko sa kanyang upper part. Pero mula baywang hanggang tuhod, ngayon ko pa lang siya nasilayan. At kakarampot pang brief ang kanyang suot.

Hoooo! Para akong nawawalan ng hangin. Hindi ako makahinga.

Dahil sa kakaatras, napahinto ako nang maramdaman kong nakadikit na ang aking likod sa display cabinet na nasa sala. Mas nanlaki ang aking mga mata nang mas ilapit ni DM ang mukha sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso kaya naman napapikit ako bigla.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now