♡ 6 ♡

2.3K 90 196
                                    

Chapter 6

STARRY, STARRY NIGHT

《 ♡♡♡ 》

(DM's POV)

"Drink this." I handed Willa a glass of water. Dinala ko siya sa kuwarto namin nina Sean at Blake. "It's as if you cry everyday. Hobby mo ba 'yan?"

She gave me back the glass. "Thank you," she said.

Sinalinan ko pa ng tubig ang baso niya. She was sitting on my bed. Her nose and eyes were as red as her lips already. "What happened?"

"Dalawang araw na akong umiiyak. Iiyak kaya ako bukas?"

"I ask you again, what happened?" Humalukipkip ako.

She looked at me, then at Blake and Sean. We were all standing in front of her, waiting for her to tell us what she went through. She didn't say a thing but she kept staring at us. Discomfort was written all over her face. Like my friends got the message that she felt uneasy with all of us in front of her, Sean turned away, powered on the TV and sat on the couch while Blake went to his bed and busied himself in his car magazine.

"Okay, it's just me now," I declared.

Her eyebrows met. "Tanga ka ba? Siyempre makikinig 'yang mga 'yan. Nagbi-busy-busy-han lang sila kunwari. Alam mo na, aktingan."

I couldn't help but laugh. There I was thinking that she was feeling awkward but she just blew me off again. Smooth. Such a tease. "Sweetheart, they're my bestfriends. It's fine."

"Mahaba kasi siyang kuwento," nababagot niyang tugon.

I rolled my eyes. "Come on, just tell me where you went and what made you cry."

She took a deep sigh then started laying down the details about a certain Homer Evangelista and what she found out about him when she went to him personally to give back his wallet. Her voice was in pain while she was delivering the story especially the part where she saw his hut and found out about his deceased wife and only daughter.

"Hindi naman sa nag-iinarte ako kasi simple lang naman ang pamumuhay namin ni Papa, hindi naman kami mayaman na mayaman. Pero no'ng malaman ko ang kalagayan ni Mang Homer, pigang-piga ang puso ko. Alam mo 'yon? Pareho kasi sila ni Papa. Namatay si Mama, namatay rin ang asawa ni Mang Homer. Ang kaibahan lang, ten years old ako nang mamatay si Mama. 'Yong asawa ni Mang Homer, two years ago lang. Na-survive naman namin ni Papa ang kalungkutan. Nakapag-move on. Hindi ako nagrebelde o nawala sa landas kahit si Papa lang ang kasama ko. Pero bakit 'yong Aida? Bakit 'yong kaisa-isang anak ni Mang Homer, bakit niya iniwan ang Papa niya? Hindi ba niya naisip na mas malulungkot ang Papa niya kapag siya rin nawala? Hindi man lang niya naisip na walang karamay at kasama ang Papa niya. Paano na lang kung hindi sa akin napunta 'yong wallet ni Mang Homer? Alam mo ba, kaninang umuwi siya, naglalakad siya na parang wala sa sarili. Ang lungkot-lungkot niya. Pati kaninang hinihintay ako sa pagbili ng pasalubong, ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko naman kine-claim na ang buti-buti kong tao, na ang bait-bait kong anak kasi marami rin naman akong pagkakamali at pagkukulang, pero hindi deserve ni Mang Homer at lahat ng tao 'yong gano'n. Nakikipasada lang din siya ng tricycle. Umuuwi siyang naglalakad."

Seeing her crying because she felt sorry about somebody else and showing her sympathy for a person she just met, it was as if my heart knew right at that moment what it wanted. My heart chose the girl with a big heart.

"Gusto ko siyang tulungan pero parang wala akong magagawang malaking pagbabago sa kanya maliban na lang sa ipagdasal siya. Ang isipin pa lang kung kumain na ba siya o kung sinong mag-aalaga kapag nagkasakit siya. O paano na lang siya kung umulan. Matanda na siya, DM. At mag-isa lang siya."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara