Chapter 20 - TWENTY-FOUR

2K 61 61
                                    

Chapter 20

TWENTY-FOUR

《 ♡♡♡ 》

(Willa's POV)

April 23. Fourteen years ago.

"Baby..." Naramdaman ko ang napakabanayad na haplos sa aking pisngi. Ngunit sa halip na imulat ko ang mga mata ko, parang mas inihele pa ako ng mga anghel.

"Baby, gising na. Gising na, prinsesa ko." Naramdaman ko na may umupo sa kama at nasamyo ko ang amoy ni Mama. Ngumiti ako.

"Ayaw pa pong gumising ng prinsesa niyo," panunukso ko habang pikit pa rin ang aking mga mata.

Narinig ko na lang ang mabining tawa ni Mama at kusa na ngang nawala ang antok ko. Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si Mama na may kargang chocolate cake sa dalawang kamay nito. Mas nawala pa ang antok ko.

"Wow!" Dagli akong bumangon at kumuha ng icing gamit ang hintuturo ko at diretso ko itong isinubo.

"Happy birthday, baby. Ano'ng birthday wish ng prinsesa ko?" Masayang bati ni Mama sa akin. Today I'm turning 10 years old.

Ngumiti lang ako at pumikit. Taimtim kong sinabi ang birthday wish ko and then I blew the candle on top of my chocolate cake.

☆☆☆☆☆

May kinse minutos na siguro akong gising ngunit hindi pa rin ako tuluyang bumabangon sa aking higaan. Every year kapag dumarating ang birthday ko after mamatay ni Mama sa isang bus accident when I was 10 years old, lagi kong dinadama ang haplos niya on that day during my 10th birthday. Inaalala ko talaga ang bawat detalye ng araw na 'yun dahil ayoko siyang makalimutan. Hindi ko siya kayang kalimutan.

Bata pa ako nu'n pero sobrang naipadama niya ang lubos na pagmamahal ng isang ina sa akin. Kaya nu'ng nawala siya bigla sa amin ni Papa, hindi naging madali para sa amin ang mamuhay araw-araw na hindi na siya nakikita, nakakausap at nayayakap. Ngunit matatag kami ni Papa. Malakas kaming dalawa kaya nakaya rin namin siyang pakawalan after her tragic incident.

Matapos kong magpasalamat sa Diyos sa panibagong araw na ipinagkaloob Niya sa akin, bumangon na ako para maligo. Parang hotel lang kasi ang kwartong ibinigay ni Blake sa akin, may sariling banyo. Hindi na rin ako makapaghintay na i-celebrate ang araw na ito kasama ang mga bago kong kaibigan. At kasama siyempre si Tatay Homer.

Medyo maaga akong nakatulog kagabi dahil maaga ring pumanhik sa kanilang kwarto ang mga kasama ko. Hindi na kami nakapagkulitan pa. Hindi na rin pinalampas ni Sean ang pagkakataon para tawagan si St. Therese matapos maagaw kay Blake na pakialamero ang cellphone nito. Arte-arte pa kasi ang mokong, may crush pala siya at hindi niya kayang i-express ang feelings niya sa tamang paraan. Ginagamit ang kasungitan para magpapansin, epic fail naman dahil hindi rin patatalo si Therese. Pero mukhang maayos naman ang sitwasyon dahil parang cool na tao si Therese kaya hindi na mahihirapan pa si Sean. Hinintay lang din siguro na umamo 'tong lalake at ito na mismo ang kusang mag-switch off sa digmaan nilang dalawa. May instant college play date pa ang mga ito courtesy of Therese. Thanks to me. Sana nga lang kapag personal na silang mag-usap, hindi na sila umabot pa sa war zone. O baka nga sa jungle pa sila magpang-abot kapag ganu'n. Tigre 'tong isa, mukha namang may pagka-lion din ang ugali nu'ng isa. Hay, pero hayaan na sila. Bahala na sila sa lovelife nila. Basta ako, all is well. Happy spirit lang, Willa.

Naalala ko tuloy ang huling eksena namin kagabi bago kami naghiwa-hiwalay...

"Hoy! I-share mo naman kung ano na ang pinag-uusapan ninyong dalawa! Ba't ba napakadamot mo?" Akmang aagawin na naman ni Blake ang cellphone ni Sean ngunit mabilis namang natabig ng huli ang kamay ng napakapakialamerong si Blake.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon