Special Chapter (1d)

1.4K 38 269
                                    

"Five minutes lang? Grabe ka naman, Sean!"

"Five minutes or none at all. Choose."

"Utang na loob naman! Hindi ko kaya ang five minutes! Mabibitin ako!"

"Just four more minutes left."

"Nakakainis naman! Gusto mo bang i-bash kita, Mr. Sebastian Tigerous Alegre?"

"Gusto mo bang mawalan ng free tickets and passes, say, forever?"

Mabilis naman akong yumakap sa kausap kong si Sean. "Ito naman. Hindi na mabiro. Oh, sige na nga. Five minutes na kung five minutes. Mas mahal naman kita kaysa kay Aidan." Kumalas ako sa kanya at nagsimula nga itong maglakad. Para naman akong batang humawak sa braso nito.

"You love me more than Aidan you say?" Sean asked habang naglalakad kami papuntang backstage. Iniwan naman namin sina DM at Blake na hindi rin yata pakakawalan ang pagkakataong ma-meet ang nag-iisang Zayn Malik. Katatapos ko lang maka-picture ang international superstar kaya hindi ko na nilubayan si Sean para maka-picture ko naman si Aidan.

"Oo naman! Mas mahal kita kaysa kay Aidan pero minsan ay mas mahal ko naman si Blake kaysa sa'yo. Minsan naman ay mas mahal kita. Pero ang pinakamahal ko sa lahat ay si Dominic Marcus na hottest sa paningin ko." Humagikhik pa ako.

Umismid lang ang kasama ko. Nang makapasok kami sa backstage, agad namang nagsitayuan ang mga member ng Red Serenade mula sa pagkakaupo sa mga monoblock chair. Mukhang hapong-hapo pa ang mga ito sa concert.

"What are you still doing here? Fans paid for your time so give them what they deserve. Nakatambay lang pala kayo rito. Go outside," nakakunot-noong wika ni Sean.

Agad naman akong umapila. "Oy, huwag muna. Ako muna. Sa akin muna sila, Sean."

Hindi naman kumilos agad ang limang lalaki. Pawang naghihintay ng magic words mula sa kasama ko.

"Ano pa'ng hinihintay niyo? Get moving," ani Sean sabay tingin sa lead vocalist. "Except you, Aidan. Stay."

Agad namang sumaludo ang apat at nagmamadaling lumabas mula sa backstage. Kumindat ulit sa akin si Mr. Drummer Boy.

Ano 'yon? Close na ba tayo, bro? Ngumiti na lang ako rito tutal nice person ako.

Pero hindi pa nakalalayo ang apat nang muling magsalita si Sean.

"Noah, that would be the last time you wink at her. She's my bestfriend's girl and if ever I'll catch you doing the same again, I'll wring your neck in front of your bandmates." Humarap ito sa mga alaga. "This is not for Noah alone. Kahit sino sa inyo, if I catch you doing any gesture similar to what Noah did, you're in trouble. Not to Willa, this girl. Not to my sister, Lily. Not to any girl in my circle. You can wink at fans outside but never more than that. Am I making myself clear?"

Sabay-sabay na tumango ang Red Serenade boys saka sumaludo at umalis na. Bumaling naman si Sean kay Aidan.

I wonder kung ano ang iniisip ng mga 'yon kay Sean. Baka murdered na rin si Sean sa mga utak nila. Tsk.

"What were you doing here? Bakit hindi kayo nakikihalubilo sa fans?" malamig na tanong ng kasama ko.

"Boss, sumaglit lang kami rito sa likod. Pasensiya na," sagot naman ng bokalista.

Bumaling naman sa akin si Sean. "Phone," wika nito.

Agad ko namang ibinigay ang phone ko saka ako tumabi agad kay Aidan at umabresete rito.

"Hands off."

"Eh kung i-click mo na lang 'yan. Ang dami mo pang satsat." Inikutan ko ito ng mata.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat