Chapter 36 - TRUE LOVE ALWAYS

2.1K 68 87
                                    

Chapter 36

TRUE LOVE ALWAYS
(July 2017)

(Willa's POV)

Minamasdan ko lang si DM na nakatayo sa harap ng puntod ni Mama. Hindi namin first time na dumalaw sa sementeryo pero nag-request si DM na bumisita kami ngayon kaya kami nandito. Mukhang seryoso ito kaya hindi ko na lang ito kinukulit pa.

Simula kasi noong mag-usap kami tungkol sa kasal, una naming napagdesisyunan na magtipid-tipid at wala na muna 'yung bisi-bisita every other two weeks. Nagkakasya na lang kami sa tawag at video call gabi-gabi. Marami pang kulang sa pagpaplano pero maayos naman kaming pareho. Pinanindigan din talaga ni DM na wala masyadong pressure. Go with the flow lang. Ngayon ngang nandito siya, first time naming magkita ulit after three months. Ang buong akala ko nga next month pa may luluwas sa amin pero with DM's signature dictatorship, anything is subject to change. Well, wala namang problema sa akin basta walang natatapakan.

Lumingon na ito sa akin. Mukhang natapos din ang pakikipag-usap nito kay Mama. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at siniil ako ng halik.

"Ang tagal mo namang magpaalam kay Mama kung hahalikan mo lang pala ako sa harap ng puntod niya." Biro ko rito nang maghiwalay kami.

Ngumiti naman ito. "Mahirap na. Baka multuhin ako."

Tinawanan lang naming pareho ang inasal nito saka kami magkahawak-kamay na lumabas na ng sementeryo.

Dumiretso na kami sa malapit na bus terminal kung saan namin iniwan ang mga gamit namin kay Ate Belen bago kami pumunta sa puntod ni Mama. Luluwas din kami ng Manila bago magtanghali. Dumating lang si DM kaninang madaling-araw. Sabik na sabik na raw kasi sina Tito Daniel at Tita Mariana sa kaingayan at kadaldalan ko kaya sinundo ako.

"Salamat, Ate Belen. Pakisabi na lang po kay Papa na paalis na 'yung bus namin." Nagpaalam na kami kay Ate Belen bago kami pumasok sa bus. Ito na ang naghatid sa amin sa terminal dahil maaga raw na umalis si Papa para dumalo sa isang kasal. Hindi ko na nga ito nakita pa kahit kaninang dumating si DM ng alas tres ng madaling-araw. Hindi ko tuloy mawari kung ano'ng oras ba talaga ito umalis at kung saang lupalop pumunta.

Mahaba-haba na rin ang nalakbay ng bus nang mapansin kong kanina pa tahimik ang kasama ko. Kwento ako nang kwento rito samantalang matipid lang ang reaksiyon ni DM.

"Ba't parang ang lalim ng iniiisip mo?" Tanong ko rito.

Lumingon naman ito sa akin saka umiling. "Slight lang."

"Hindi ka kaya nakikinig sa mga kwento ko."

"I am listening." Ngumiti pa ito pero alam kong may iniisip pa itong iba.

"May problema ba sa kompanya?"

Umiling ito. "Everything's fine."

Tumango naman ako. "Okay." Ihinilig ko na lang ang ulo ko sa balikat nito at kusa na lang ding pumikit ang mga mata ko. Nakatulog ako sa bisig ng taong pinakamamahal ko.

☆☆☆☆☆

Naghikab pa ako na pang-sampung beses ko na yatang nagagawa since makarating kami ni DM sa Manila. "Bakit sa hotel tayo dumiretso, DM?" Takang-taka kong tanong sa kasama ko. Imbes kasi na sa bahay nila kami dumiretso, sa hotel kung saan ito dating nagtrabaho kami tumuloy.

"I really need to attend an important meeting nearby. Itinawag lang kanina sa akin while we were on the bus. I will never make it on time kung didiretso pa tayo sa bahay so dito ka na lang muna and then I'll just pick you up when I'm done with my errand." Paliwanag naman nito.

"Pero gabi na ah. Bakit hindi na lang ako ang mauna sa inyo?" Marahan kong tanong. "Para madala ko na rin 'yung mga gamit natin?"

Mabilis naman itong humalik sa akin bago tuluyang dumiretso sa pinto which means hindi approve ang suggestion ko. "I'll call you, okay? Just take a rest. I already instructed someone to assist you later on."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ