Chapter 25 - A PIECE OF EVIDENCE

1.5K 54 48
                                    

Chapter 25

A PIECE OF EVIDENCE

(Willa's POV)

Alam kong pasado alas onse na ng gabi dahil busy pa ako sa pakikipagtext kay Sean. Kung may katext ako, kitikitext talaga akong tao. Pero kung wala, silent lang din ako. Tambay lang din ang cellphone kung walang nangungulit. Simula pa yata kaninang pumanhik kaming lahat sa taas pagkatapos ng face-the-wall moment ni DM at ang chicka over coconut cookies namin ni Tita Mariana, hindi na ako maihiwalay sa phone ko pagkatapos kong mag-ayos ng sarili para sa pagtulog. Nang i-check ko kasi kanina kung may mga notifications ako, ang dami na palang texts from Papa, Nathan, Blake at Sean. Nag-goodnight na lang ako kina Papa at Blake dahil mga smiley characters lang naman ang nilalaman ng mga messages nila. Kay Nathan naman, sinagot ko lang ang tanong niya kung ano'ng oras niya ako susunduin bukas. Sabi ko naman na ako na lang ang kusang pupunta kung saan kami magkikita kasi sabi ni DM, ihahatid daw niya ako pagkatapos naming mag-attend ng misa kasama sina Migo at Tita Mariana. Wala pa naman itong sagot. Si Sean naman, nagulantang na lang ako sa text nito. Alas otso pa ito nagtext pero dahil enjoy lang ako sa date namin ni DM, hindi ko na pinansin pa ang phone ko.

SEAN: Hey, brat.

WILLA: Sorry, late reply. Waz dat?

SEAN: Brat.

WILLA: Enebeyen! Musta pala ang deyt niyo ni St. Therese?

SEAN: Went well.

WILLA: Details!

SEAN: Nope.

WILLA: Don't be pabebe!

SEAN: Not telling.

WILLA: Ako, I have secret din. Pero hindi ko sasabihin kapag hindi ka nag-share. Bleh.

SEAN: I think I know.

WILLA: Nope.

SEAN: You're with DM.

WILLA: N O P E

SEAN: Happy 1st weeksary. I almost forgot. Blake told me to greet you.

WILLA: Ugh! Good night na nga! Bumili ka ng kausap!

SEAN: You're welcome.

Ibinaba ko na nga ang cellphone ko sa tabi ko at naaasar kay Sean. Hindi man lang ito mapilit mag-share tungkol sa date nila ni Therese. Masyado itong madamot sa information. Tapos bakit alam agad na ang secret na sinasabi ko ay about kay DM? Na nasa Manila na ako? Siguro sinabi na naman ni DM sa kanilang dalawa ni Blake. Pambihira naman. Talaga sigurong mas nananaig ang pagkakaibigan nilang tatlo kaysa sa kung sinumang lovelife ng bawat isa.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Dahil inakala kong si DM, hindi ako sumagot. Magsama sila ng kaibigan niyang madamot mag-share! Umayos ako ng higa at tinakpan ng unan ang ulo ko. Naramdaman ko na lang na bumukas ang pinto. Hindi nga pala ako nagla-lock. Nagkunwari na lang akong tulog.

"Hija, are you still awake?"

Napabalingkwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Tita Mariana. "Tita! Sorry, akala ko si DM. Nagkunwari lang akong tulog."

Tumawa naman ito ng mahina. "Come here. May pupuntahan tayo."

Hindi pa man ako nakakasagot, hinawakan na nito ang kamay ko at lumabas na nga kami sa kwarto. Wala nang mga tao sa labas. Sobrang tahimik na ng buong bahay. Huminto kami sa harap ng study. Akmang bubuksan na nito ang pinto nang magsalita ako.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ