♡ 18 ♡

1.6K 65 46
                                    

Chapter 18

THE GIRL IN HIS DREAMS

《 ♡♡♡ 》

(Willa's POV)

Nakatingin lang ako sa taas ng puno ng mangga sa likod-bahay habang tahimik pa rin ang kasama kong si Sean. Sabay kaming naglakad papunta sa likod pagkatapos niyang tanungin kung puwede kaming mag-usap kaninang kasama ko si DM sa loob ng kuwarto.

Tumingin ulit ako sa kanya ngunit blangko lang ang kanyang ekspresiyon. Malalim ang iniisip. Wala pang balak magsalita.

Tumikhim ako. Pang-apat na beses ko na yatang ginagawa iyon.

"Sean, ayaw mo ba ako para kay DM?" lakas-loob kong tanong. Baka kasi ayaw niya ako para sa kaibigan niya at gusto niya akong kausapin na tigilan ko na ang panglalandi ko kay DM kasi hindi ako nababagay rito.

Hay! Nakakalungkot naman. Ouch.

Tumingin lang siya sa akin ngunit hindi niya diretsang sinagot ang tanong ko. Bagkus, sumagot lang siya ng, "There's a girl."

At dahil hindi ko inasahan ang sinabi niyang 'yon, hindi agad ako nakasagot. Basta bigla ko na lang naramdaman na parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

THERE'S A GIRL.

Namasa bigla ang mga mata ko at para akong batang bigla na lang sumabog ng iyak. Tumayo ako at nagpadyak-padyak.

"Sinasabi ko na nga ba! Ang tanga-tanga ko talaga! Ang tanga mo, Willa!" Umiiyak na talaga ako. Parang nadudurog ang puso ko. Kinakapos na nga ako ng hininga.

"What are you doing?!" Tumayo naman si Sean at hinila ako pabalik sa kahoy na upuan pero tinabig ko lang siya. Saka ko siya hinarap at itinulak.

"B-bakit ngayon mo lang s-sinabi?! Sana s-sinabihan mo ako nang mas maaga para h-hindi na umabot sa g-ganito! Nilalaro niyo na lang akong magkakaibigan, gano'n ba? Ang tanga-tanga ko! Ang tanga ko talaga!" Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakatingin nang matalim kay Sean.

"What the hell are you saying?!" Hinawakan ulit niya ako ngunit iwinaksi ko lang ang kamay niya.

"Pinapanood mo na lang na laruin ako ng kaibigan mo, gano'n ba? I hate you! I hate you! Pare-pareho lang kayo! May girlfriend na pala si DM, bakit ngayon mo lang sinabi?! Sana noon pang umpisa!" Itinulak ko ulit siya ngunit sa sunod na tulak ko sana, napigilan niya ang mga kamay ko at galit din akong pinaupo sa upuang kahoy.

"Listen, Willa. And you listen very carefully." Hindi pa rin niya pinapakawalan ang mga kamay ko habang patuloy pa rin ako sa pagpumiglas at pag-iyak.

"Wala akong pakikinggan! Pinagtatakpan mo pa ang kaibigan mo! Niloloko niyo lang pala ako!"

Naningkit naman ang mga mata niya. "What the hell?! Ano ba'ng sinabi ko?!"

"Tinanong ko kung ayaw mo ako para kay DM tapos sinabi mong there's a girl! Hindi naman ako bobo para hindi ma-gets kung ano 'yang girl na sinasabi mo! May girlfriend si DM at sasabihin mo sa akin na tigilan ko na siya! Sana noon mo pa sinabi para hindi na umabot sa ganito na gusto ko na siya! Ginagago niyo lang ako!"

"Puwes, bobo ka! Because that wasn't what I meant." Binitiwan niya ako saka huminga nang malalim. Nakatayo lang siya sa harap ko at namaywang na parang handa na naman siyang manermon. "Akala ko baliw na ang kapatid ko pero may mas baliw pa pala sa kanya."

Tumingin lang ako sa kanya habang pinupunas ang mga luha ko gamit ang palad ko. Humihikbi-hikbi pa rin ako. Nakamasid lang ako sa kanya.

"Sabi mo hindi ka bobo pero sa inasal mo lang ngayon, ikaw na ang pinakabobong nilalang na nakilala ko. You assumed things already, hindi mo pa inalam kung ano ba talaga ang pinag-uusapan. You just broke down and said things na hindi man lang pinag-iisipan kung nasa tamang katwiran ka ba."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon