Labing walo

10.3K 854 480
                                    

Nakangiti ako habang sinundan ko kung saan nagtungo si Mayari. Nakita ko siyang pabalik sa loob ng hospital kaya nagmadali na ako para malapitan siya.

"Mayari," tawag ko sakaniya paglapit ko sa tabi niya. Nandito kami sa mahabang pasilyo papunta sa quarters.

"Bakit hindi mo kinain ang iniwan kong pagkain kagabi? Hindi mo ba iyon gusto?" naka tingin lang ako sakaniya habang patuloy na naglalakad.

"Ikaw ba Mortal ay nasa aking tabi kagabi?" saglit akong na pahinto sa tanong niya ngunit sumabay ako muli sakaniyang paglalakad. Anong kinalaman non sa tinanong ko?

"W-Wala." Na uutal pa ako dahil para na naman siyang galit.

"Sa iyong palagay, ako ba ay kakain kung ikaw ay wala sa aking tabi?" tumigil siya sa paglalakad at matamang tumingin sa akin ang mala-pusang mata niya. Napalunok naman ako ng wala sa oras sa nakakaakit niyang itsura.

Hindi ba siya makakakain nang wala ako? Gusto kong itanong kung ako ba yung pagkain para matanong niya ang bagay na iyan sa akin pero ayokong gawin dahil baka hindi na ako maakaakyat sa kaluwalhatian talaga. Aysh! Ano ba itong naiisip ko? Bathala patawad! Hindi ko sinasadya at baka ako ay paluin mo kapag nakita mo akong nasa kaluwalhatian.

"Ano ang naglalaro sa iyong kaisipan upang ngumisi ka na tila ikaw ay nahihibang?" bumalik ako sa reyalidad sa masungit niyang boses kaya na pa ayos ako ng tindig at ekspresyon.

"W-Wala. Tara na at kumain tayo bago umuwi."

Hinila ko siya papunta sa kantina kung saan kumakain ang mga staff ng hospital at mangilan- ngilan na taga bantay ng mga pasyente. Pagpasok pa lang ay agad na nagtinginan ang tao sa babaeng binukot, hindi ko sila masisisi dahil may takip man ang kaniyang kaliwang mata ay hindi nito nabawasan ang taglay niyang ganda.

"Maupo ka na, Mayari. Kukuha lang ako ng makakain." pinaupo ko siya at saglit na iniwan para mag-order ng pagkain.

Paglapit ko sa counter, napansin ko na titig na titig yung nagse-serve ng pagkain sa akin kaya bahagya akong yumuko at nagkunwaring sinisipat ang mga pagkain na nakahain. Agad napukaw ng paningin ko ang nag-iisang hotdog kaya agad ko itong tinuro.

"Ma'am yung isang hotdog—"

"Akin yung hotdog, Ma'am."

Putol agad sa akin ng babaeng katabi ko, pagtingin ko ay si Doc Mercauto pala. Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko kaya siningkitan ko siya ng mata.

"Akin yang hotdog, Mercauto." pagbabanta ko sakaniya habang sinisingkitan siya ng mata.

"Akin yan Selene kase hindi ka naman mahilig diyan, mani ang gusto mo, hindi ba?" ngumiti siya sa akin nang nakakaloko kaya yung babaeng serbedora ay nangingiti rin sa tinutukoy ng mokong na ito.

"Tumigil ka dyan at akin yung hotdog."

Tumawa lang siya nang malakas kaya pati ako ay natawa na rin dahil para kaming bata na nag-aaway dahil sa isang hotdog.

"Sige na iyo na yan—basta ipapakilala mo sa akin ang magandang babae na kasama mo." lumingon siya sa likod at nag nguso sa direksyon ni Mayari na matiim na nakatingin sa akin nang masama. Napalunok ako, anong ginawa kong masama?

"Ay mukhang nagselos ata. Sige Doc Selene, sisibat na ako." at patakbong umalis si Mercauto sa tabi ko. Na pa iling na lang ako sabay kuha ng order kong pagkain.

Habang papalapit sa table namin ay hindi binibitawan ni Mayari ang pagkakatitig sa akin kaya naman ang puso ko ay tila lalabas at ang mga kamay ko ay nanginginig. Kitang-kita ito dahil gumagalaw ang pagkain sa ibabaw ng tray na bitbit ko.

MayariWhere stories live. Discover now