Labing apat

10.7K 762 264
                                    

Tumindig lalo ang balahibo ko nang banggitin niya sa unang pagkakataon ang pangalan ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, tila ba naghahalo-halo ang emosyon ng tuwa at lungkot. Tuwa dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses niya na sambitin ang ngalan ko, at lungkot dahil natatakot akong baka hindi na ito maulit pa.

"M-Mayari..." Nabitawan ng isang kamay ko ang pagkakataas ng damit ko at minabuti kong kumapit sa gilid ng lababo. Na nanatiling nakapaloob ang kamay niya sa damit ko. Ang lakas ng presensya niya, kahit sa simpleng dampi lang ng balat niya sa balat ko ay hindi ko kinakaya. Tila ako nauupos na kandila.

"M-Mayari bakit h-hindi tayo umalis? L-Lumabas tayo," walang gustong salita ang nais lumabas nang maayos mula sa bibig ko. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ngayon lang ako nanghina nang ganito dahil sa isang misteryosang dalaga.

"Kung ito ay magdudulot ng indak sa akin," napaigtad ako nang unti-unti dumampi ang sa mga dulo ng daliri niya sa likuran ko habang inaalis niya ang kamay sa loob ng damit ko.

"Ano ang dahilan ng iyong pagkakatuod, Mortal?" agad na pumasok ang pagkadismaya sa aking sarili ng muli niya akong tawagin na mortal. Tila ba hinigop nito sa kawalan ang mahika ng tuwa na naramdaman ko sa paligid.

"M-Magbibihis lang ako, ihahanda ko na rin ang isusuot mo para sa pag-alis natin." Hindi ko na muling binigyan siya ng tingin, bagkus ay dumiretso akong lumabas ng kainan at umakyat papuntang kwarto ko.

Pumasok ako sa walking closet ko para mamili ng susuotin ko at ang para kay Mayari. Pinili ko ang damit na hindi masyadong magpapakita ng katawan niya. Ubod ng ganda si Mayari at isama mo pa ang katawan niyang perpekto na kahit sino ay mapapatingin sa tulad niyang Dyosa.

"Mortal!"

Napatalon ako bahagya sa gulat nang bigla siyang sumulpot sa may pintuan ng walking closet. Pagtingin ko sakaniya ay masama ang kaniyang tingin sa akin.

"M-Mayari, huwag kang nanggugulat! A-atakihin ako sa puso dahil sayo!" singhal ko, ayoko nang pakiramdam na nagugulat.

"Sino ka sa iyong palagay upang ako ay iwan mag-isa sa hapag? At sino ang naggawad ng karapatan upang sa akin ay magtaas ka ng iyong boses? Hindi ba at aking tinuran na sa iyo na ikaw ay gumalang?!"

Napalunok ako sa kaba, sa lahat ng sinabi niya ay kahit isa wala akong nakuha. Sadyang natatakot ako sa tono ng boses niya kapag ganito siya umusap sa akin.

"P-Patawad, Mayari. Hindi ko sadya na iwanan ka mag-isa at hindi sa tinataasan kita ng boses, nagulat lang talaga ako," pagpapaliwanag ko pero nananatiling masama ang tingin niya sa akin.

"Mayari, matuto kang magpahaba ng pasensya mo. H-Hindi lahat ng taong tulad ko ay kaya kang pagpasensyahan sa inaasal mo---"

"Inaasal?! Ano ang nais mong iparating?!" nanginig ako sa lalong pagtaas ng boses niya. Hindi ko malaman kung saan ibabaling ang katawan ko sa kaba. Huminga ako nang malalim upang mapakalma ang sarili.

"Selene!"

Sa pagkakataon na yon ay naihagis ko ang damit na hawak ko sa gulat. Nagkalat ang mga damit sa sahig, hindi ko ito makuhang damputin dahil na nanatiling naka pako ang mga mata ko sa babaeng sinigaw ang pangalan ko. Imbis na matakot ako lalo sa sigaw niya ay mistulang naging musika pa ito sa tenga ko.

"M-Mayari... maaari mo bang sambitin muli ang pangalan ko?" kagat labi kong tanong sakaniya. Halatang naguguluhan siya dahil nakatitig lang siya sa akin na tila ba ako ay nababaliw na dahil sa sinabi ko.

"Ako ba ay iyong inuutusan?"

Agad akong umiling kasama ang pagkumpas ng kamay ko na nagsasabing 'hindi'. Ngunit sa totoo lang ay Oo, inuutusan kita Dyosa ng Buwan!

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon