24th Plan

39.4K 634 29
                                    

Hanggang ngayon speechless pa rin ako sa sinabi ni Bryle dun sa mga lalaki kanina. Yung feeling na para kang nag e-exam pero kahit isa hindi mo masagutan kasi hindi mo inaral. Argh! Bakit ba kasi siya ganon? Ilang Bryle ba ang imi-meet ko araw araw? Iba iba kasi eh. Hindi ko alam kung sino ba talaga dun yung totoo. Parang kailan lang ni-declare niya na liligawan niya ko, tapos kanina ang sabi niya girlfriend niya ko. Aba! Baka bukas mag asawa na kami. Ang hirap niyang hulaan.

"Zeria, kung ang iniisip mo eh yung tungkol kanina. Sinabi ko lang yun para tantanan ka na nung mga lalaking yun." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Bryle. Basang basa siya at naka topless. Hindi ko man lang napansin na umahon na pala siya sa ilog.

"Hindi no. Asa ka! Bakit ko naman iisipin yun. Hindi ka pa nga nanliligaw!"

"Ouch!" Nilagay ni Bryle ang kanang kamay niya sa dibdib at umarteng nasaktan. "Grabe. Grabe talaga. Hindi pa ba ko nagsisimulang manligaw? Para sa'yo, wala lang yun?"

"Wala. Ano bang ginagawa mo? I mean, lagi mo lang naman akong kinukulit, lagi lang tayong magkasabay sa lunch. Madalas ikaw na rin ang nagdadala ng foods ko for lunch. Lagi mo kong hinihintay sa gate ng school tuwing umaga. Pag p.e bigla mo na lang pupunasan yung pawis sa mukha ko tapos bigla kang aalis at pagbalik mo may dala ka ng bottled water. Pag isa ako sa cleaners nakikipag agawan ka ng walis tambo sakin tapos ikaw na yung magwawalis ng buong room. Lagi mong nido-drawing-an yung notebook ko ng mga hearts and heart-shaped na tao. Tapos lagi mo kong hinihipan sa mukha." Napatingin ako kay Bryle ng ma-realize ko lahat ng ginagawa niya sakin. Nakita kong nakatingin siya sa ibang direction pero ngiting ngiti siya. Tapus bigla siyang nag poker face ng humarap siya sakin.

"Ano pa? Yun lang?" Tanong niya sakin at marahan lang ako tumango.

Bakit ba hindi ko na-realize agad lahat ng ginagawa niya para sakin. Tanga ba ko or manhid? Tanga siguro. Kasi kinikilig ako pag malapit siya sakin, pagkatabi ko siya. Ano pa kaya sa lahat ng ginagawa niya sakin.

"May nakalimutan ka."

"Ano pa yun?"

"Lagi kong inaalis yung mga buhok na tumatakip sa mukha mo. Lagi kong pinupunasan yung kamay mo ng towel na may alcohol pagkatapos natin mag lunch at gumawa ng activities sa klase. Lagi kong tinatali yung sintas ng sapatos mo pag p.e. Lagi kitang nilalagyan ng bulaklak sa may tenga mo pag nasa garden tayo. Lagi kitang sinasalo pag nadudulas ka o natatapilok, at... lalo pa kitang sasaluhin pag nahulog ka sakin ng tuluyan."

This time, ako naman ang humipan sa mukha niya kaya napapikit siya. Hinintay kong magmulat siya pero hindi, ngumiti lang siya lalo.

"Diyan ka na nga!" Mabilis akong tumayo at dali dali akong lumapit kila Jelly.

What the Felix!!! Alam ko na! Alam na alam ko na talaga. Hindi lang ako tanga. Kundi isa ring manhid. Bakit hindi ko agad na-realize?!!! Puro lang ako kilig kilig kilig. Shet! shet! shet!! Papatayin na ko ni Bryle sa kilig. Pwede ko ba siyang kasuhan?!! He's killing me softly!!

"Ang daya mo Zeria! Kayo na pala ni Bryle! Hindi mo man lang sinasabi samin nitong si Jelly." Bungad sakin ni Annie.

"Hindi ah! Hindi kami. Sinabi lang yun para umalis na yung mga lalaki kanina."

"Ganon ba? Eh hanep naman kasing ganda niyo nitong si Jelly. Pati mga campus crush sa kabilang school eh nahumaling sa inyo. Nakakainis naman si Bryle, umalis tuloy, nagpapakabusog pa nga akong titigan sila."

"Gaga. Tumigil ka nga Annie. Dapat lumapit ka samin para ikaw na lang pina-picture-an namin kasama sila."

"Ayan! Palibhasa kasi may lovelife na kayo ni Zeria. Ang daya daya!!!" Nakangusong sabi ni Annie.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon