23rd Plan

36.6K 592 8
                                    

"Goodluck guys! Magagaling tayong lahat, kaya natin to. Wag masyadong kabahan. Sayang ang kagandahan at kagwapuhan niyo." Pag chi-cheer samin ni Annie. Ngayon na kasi yung 2nd day na kasi ng foundation week. At ngayon yung schedule namin para sa variety show.

Nahati pa kami sa two groups, kasama ako sa first group which is ngayon mag pe-perform. Unfortunately, hindi ko kasabay si Bryle, kasi sa susunod na araw pa sila. Pero okay na rin yun, at least wala naman akong po-problemahin ng mga araw na yun, malayang malaya akong video-han siya or picture-an pag magpe-perform na siya.

Nag start na sa pag ho-host si Annie pati si Thonny, dahil sila ang MC.

Si Elijah, Jelly, Jessa, at ako ang unang nag perform, modern dance. Puro sigawan ng lalaki ang naririnig ko. Puro sila pag papapansin. At halos lahat na ata ng sulok ng classroom na to at lahat na ng mga mukha ng nandito eh natignan ko. Well, except kay Bryle. Baka kasi pagtinitigan ko siya mawala ako sa focus. Baka magkalat lang ako, at mapahiya kaming lahat, lalo na ako.

Natapos ang one-hour variety show namin. Meron lang kaming two hours para mag prepare ulit para mamaya. Nagsimula ng maglabasan yung ibang estudyante na nanuod. May mga taga ibang school rin na nagpunta.

Nagsimula na kaming maglinis para mamaya, may mga balat kasi ng chips na iniwan na lang basta nung iba.

Napansin ko na may limang lalaki na hindi pa lumalabas ng classroom. Hindi sila taga rito, dahil iba yung uniform nila. Siguro sa private school sila. Halata kasing mga anak mayaman. Puro sila cute, pero meron isang gwapo sa kanila. Pero mas gwapo pa rin ang Bryle ko.

"Zeria, punta tayo sa Mutya mamaya. Nami-miss ko ng mag swimming dun. Nami-miss ka na rin namin ni Annie eh. Paano kasi sinosolo ka na ni Bryle." Namula ang pisngi ko sa huling sinabi ni Jelly. Lagi na kaming magkasabay ni Bryle sa lunch, nakakasama ko na lang sila sa classrooms, pag may groupings, sa p.e, sa pag si-cr. Namiss ko na din sila.

"Hala! Sorry! Sige, babawi ako. Swimming tayo pagkatapos. Nasabihan mo na ba sila?"

"Oo, alam na din ni Bryle, ikaw na lang ata yung hindi pa. Kasi pinlano namin yun, walang kasiguraduhan. Eh ngayon, payag na sila."

"Go ako! Sorry Jel ah, si Bryle na lang lagi yung kasama ko. Nakakahiya."

"Okay lang yun Z, kinikilig nga kami ni Annie pag lagi namin kayong nakikita ni Bryle na mag kasama. Sinagot mo na ba siya?"

Bago ko pa masagot ang tanong ni Jelly, lumapit samin yung limang studyanteng lalaki.

"Excuse miss. Pwede bang magpa-picture sa inyong dalawa?" Sabi nung guy na medyo chinito.

Nagkatinginan kami ni Jelly at awkward na tumango.

Nag unahan silang lima kung sino ang mauunang magpapicture samin ni Jelly. Medyo nakakangalay ng ngumiti kasi lima silang isa isang nagpa-picture samin. Tapus apat sa kanila magpapa-picture samin ni Jel, tapus yung mag pi-picture di papaya na wala siyang picture with us after niya kaming picture-an. Kaya nakailang shots din yun.

Nagkakatinginan na lang ni Jelly at sabay na mapapangiwi dahil sa pagod kaka-smile.

"Ie-excuse namin silang dalawa." Sabi ni Arx na may hawak na burger at bottled water.

"Zeria, uminom ka muna ng tubig. Alam kong pagod ka. Binilhan na rin kita ng snacks. Baka gutom ka na rin." Inabot sakin ni Bryle yung bottled water ng nakasimangot. Hindi niya pinansin yung limang lalaki na nagpapa-picture samin.

Kinilig ako sa ginawa ni Bryle. Ang thoughtful niya kasi eh. Binilhan pa niya talaga ko ng pagkain. Sigurado ako na kinikilig na din si Jelly dahil kay Arx.

"Thanks Bryle. Ikaw ba nag snacks ka na din?" Nginitian niya ko at umiling siya.

"Malapit ng magsimula ulit yung program. Kung manunuod ulit kayo, bili na lang kayo ng panibagong ticket. Salamat." Nagulat ako sa kasungitan ni Arx dun sa limang studyante. Infairness, nakalimutan ko sila dahil kay Bryle.

"Sige Miss, anu ngang mga pangalan niyo?" Tanong nung isang lalaki.

"Girlfriend siya ni Arx." Ang tinutukoy ni Bryle ay si Jel, at tinuro din ni Bryle si Arx.
"Siya naman ang girlfriend ni Bryle..." 

Ako yun.....



(c) Eilramisu

Sorry for the late update, busy ang lola niyo. Don't worry tatapusin ko before mag end ang year. Lol!

Anyways, follow me on INSTAGRAM> @arliecious_eff

Thanks. I love you all :-*

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon