CHAPTER 35

4.5K 147 48
                                    

~~~~~

".... Daddy. Don't leave me."

Napamulat ako ng marinig kong umiiyak si Lia habang tinatawag ang Daddy niya.

"Lia?" I said and touched her face. "Baby wake up."

"Daddy..."

"Athalia? Wake up." Sabi ko at mas niyugyog ang balikat niya. Nagmulat naman siya ng mata. At yumakap ng mabilis sa akin.

"Mommy." Sabi niya mas hinigpitan niya pagyakap sa akin.

"Why? What's wrong?" I asked her.


"Mommy...." Sabi niya habang umiiyak pa din. Kinuha ko ang isang baso ng tubig at pinainom ito sa kanya.


"Tell Mommy baby. What's wrong?" I asked her again.


"Bad dream." Sabi niya at nagpatuloy pa din sa pag-iyak.

"Shhh... It's just a bad dream. Mommy's here Lialove." I said and kissed her cheeks. "Ik hou van jou, Lia." I said and she smiled to me.


"And I love you too Mommy." Sabi niya at hinalikan ang pisngi ko sinunod niya ang noo at ilong ko.

"Now, can you share to Mommy what happened in your dream?" I asked her.

"Daddy... He left me." Sabi niya at namumuo na naman ang luha sa mata niya. Humiga naman ako at hiniga siya sa dibdib ko. "Mommy, is daddy okay? I want to see him. Kailan siya uuwi" 

Wala akong masagot sa sinabi ni Lia. Hinaplos ko ang buhok niya at naririnig ko pa din ang pag singhot ni Lia.


Hindi ko alam baby. Hindi ko alam kung maayos ba ang kalagayan niya doon.

Nagkamali ba talaga ako sa paglayo at pagiwan kay Kiefer?

~~~~~

"Wooooh!! Ang init!!" Sabi ni Wilna paglabas namin sa eroplano. "Pilipinas kong mahal mukhang wala ka pa din pinagbago ilang taon na ang lumipas ngunit and aking dinatnan ay ganoon pa din." Sabi pa niya

Tumawa naman ako at binato siya ng tissue. "Baliw! Nakakahiya ka naririnig ka ng ibang tao oh! Mamaya mo na yan ituloy sa sasakyan ni Ella." Sabi ko

Umuwi na kami sa Pilipinas kinukulit na ako ni Ella dahil napaaga daw ang kasal nila ni Luigi. Dapat sa April pa pero ginawa na nilang second week ng March. Masyadong atat tong dalawa na to.


Tinapos lang namin ang New year at ang 4th birthday ni Lia sa Brussels. Nagdesisyon na din ako na umuwi dito. Hindi ko alam kung babalik pa ba kami siguro baka hindi na din baka lumipat na lang kami ng cebu basta malayo sa manila.

"My... lots of cars." Bulong ni Lia at tumawa naman kami ni Wilna sa sinabi niya.

"Wait until you see the busy streets sweetie." Sabi ni Wilna.

"Mommy... Karga po please." Sabi niya ngumiti naman ako at kinarga siya.

"Nasan na ba si Ella? Siguraduhin niya na maganda ang condo niya ha. Ginulo niya tayo parehas sa Brussels." Sabi ni Wilna at nagsimula na kaming maglakad palabas. "Di ko pa nga nahahanap si forever doon sa Brussels eh."

"BESHH!!!"

"Siya na yan. Yung sigaw pa lang eh." Sabi ko at tumawa kami ni Wilna.


"Namiss ko kayo." Sabi ni Ella at niyakap kami ni Lia ng mahigpit. "Miss na miss kita Lialove mas lalong gumanda ang baby namin oh. Marami kang gift sa akin pati ang birthday gift mo nandoon."

Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon