CHAPTER 17

5.3K 136 36
                                    

ALYSSA

Pagkatapos kong magtupi ng mga damit namin ni kiefer na pina-laundry ko sa hotel bumaba na ko kaagad. Tahimik ang buong bahay.



Palabas na ko ng bahay nang may tumawag sa akin. "Ate Aly, buti bumaba ka na, kanina ka pa namin hinihintay. Sama ka sa amin ni ate Bea punta kaming bayan may mga nakalimutan pala kaming dalhin na gamit." Sabi niya habang kumakain pa ng chocolates.




"Bayan? Hindi pa ko nakakapunta doon." Sabi ko sa kanya. Si kiefer kasi ayaw akong paalis dito sa resort niya.



"Great! Igagala ka namin sa bayan ate, at si kuya Rick naman ang driver natin kaya sure akong hindi tayo maliligaw." Sagot niya sa akin at narinig ko naman na may bumababa.



"Dani? Nandyan na si Ate Ly? Tara na bak---. Ay ate nandyan ka na pala. Let's go na?" Bea asked me and smiled widely.



"Wait magpapaalam lang ako sa manong niyo ha. Alam niyo naman napakamasungit." Sabi ko at naghagikhikan naman yung dalawa.


To Hubby.
Babe, nag-aaya si Dani and Bea na magpunta sa bayan, Sasama ako ha.





Ilang minuto ko pa lang naisesend ng tumunog na ang phone ko.



"Kief?" I answered with my cheerful voice.




"Babe? Huwag ka ng sumama dyan ka na lang." Sabi niya at alam ko na kaagad na nakasimangot na yan.





"Babe naman eh! Sige na please." I said and pouted.




"Babalik ka naman diba?" Sabi niya sa mahinang boses.

"Kiefer, wag ka ngang praning dyan. Hindi ako aalis, hindi kita iiwan. At hayaan mo ko maka bonding tong dalawa na to." Sabi ko sa kanya.




"Okay.. Okay. Sige basta umuwi kayo kaagad bago mag-dinner ha. At mag-ingat kayo." Bilin niya pa.




"Yes, babe. Bye ingat din kayo nila Tita." I answered at binaba ko na ang tawag. "Let's go? Uwi daw tayo before ng dinner."




"Yas! Tara na ate. Okay na yang damit mo, ang pretty mo naman eh." Sabi ni Dani at hinatak na kami ni Bea palabas ng bahay.



"Kuya Rick sa may bayan po, sa tiangge po ha." Bilin niya sa driver at nagsimula ng magkwento ng magkwento si Dani.



Ang daldal niya at ang dami niyang tanong at mga kwento. Pagkalipas ng ilang oras nakarating din kami.



"You know ate, sa 1000 peso bill mo dito marami ka ng mabibili unlike sa malls yung 1000 peso bill mo swerte ka na kapag nakabili ka ng dalawang damit. And ang pretty din ng mga damit nila dito hindi ka magsisisi. We hope na nagsusuot ka ng mga ganito." Sabi ni bea sa akin.






"Of course naman, hindi naman mahalaga ang name ng damit as long as okay siya and madalas naman same lang din pinagkaiba lang yung brand ng damit, mas binabayaran pa yung tatak kaysa sa quality. Ako mas particular ako sa tela." Sagot ko sa kanila.


"Ate, mahirap ba? Yung mag-design ng mga damit lalo na kapag gowns?" Bea asked me habang naglalakad kami papasok.


"Sobrang hirap, lalo na hindi naman maiiwasan yung mga demanding na customers pero wala naman akong choice kailangan ko gawin." Sagot ko at huminto kami sa isang store at nag tingin na si Dani ng mga damit.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon