CHAPTER 25

6.5K 137 32
                                    

KIEFER

"Oy! Paps! San kayo pupunta? Mamaya ka pa dapat umuwi?" Si Baser na nakaakbay pa sa akin.

"Uuwi na kami, pagod na si Alyssa oh!" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina.

"Pagod na ba talaga si Alyssa or ikaw lang ang nagpipilit na umuwi kayo?" Si Von tapos nagtawanan naman silang dalawa.


"Kief baka naman maunahan mo pa sila Von nyan sa pagpapakasal." Si Baser at nagkatinginan naman kami ni Von sa sinabi niya.

"Kief punta muna ako kila Bea ha." Sabi ni Alyssa sabay pisil sa kamay ko. Tumango naman ako at hinabol siya ng tingin.


"Ang lakas ng tama mo sa kanya Paps ah." Si Luigi na nakangiti sa aming tatlo at tumabi na din.

"Paps? Tinamaan ka na ba talaga? First time ka namin nakita na ganyan sa babae." Sabi ulit ni Baser tapos nung may dumaan na waiter kumuha kami ng mga inumin.


"Hindi ko alam Paps. Basta ang alam ko masaya ako. I'm Happy with her. Napapasaya niya ako." Sagot ko sa kanila.


"Lintek!! Tinamaan na nga. Ganyan din ako kay Laura noon eh." Von said and tapped my shoulder.


"Kief, can I just say maswerte ka na sa kanya. Kapag yan pinakawalan mo pa kami na mismo ang bubugbog sayo. Pangako yan." Sabi ni Luigi. "So kailan nga ang kasalan?"


"Hoy! Kami nga muna ni Laura! Maawa naman kayo baka maresched na naman ang kasal namin. Alam niyo naman na ang daming activities niyan eh." Sabi ni Von na nakasimangot na.


"Paano yan diba ayaw pa yata magkaroon ng anak ni Lau dahil sa mga activities niya?" Tanong ko sa kanya. Alam kong gustong gusto na magkaroon ng anak ni Von.


"Wala na siyang kawala, Paps. Bubuntisin ko na talaga siya after ng kasal namin." Sagot ni Von at nagtawanan naman kami.



Maya maya lang nagpaalam na si Baser at Luigi sa amin ni Von. Hinanap ng mata ko si Alyssa kasama niya sila Bea at mukha naman siyang nageenjoy. Umiinom pa sila pero I have trust naman sa kanya na hindi siya maglalasing.

"So, magreready na ba ako ng ireregalo ko sa magiging inaanak ko sayo? Para kasing hindi na kayo mapaghiwalay eh." Von said and smiled to me.


"Wala naman masama kung mabubuntis ko na siya diba? I mean long overdue na nga ito eh. Dapat matagal na kaming may anak eh." Sagot ko at tawa naman ang sagot ni Von sa akin.


"Seryoso, Paps? Totohanan na talaga ito?"


"I don't know, Von! Basta ang alam ko ayaw kong mawala siya sa akin."


"Wait. Wait ano bang arrangements niyo?" Tanong niya sa akin.


"Humingi ako sa kanya ng chance sa marriage namin. Pumayag din naman siya Paps. And please don't ask me kung mahal ko siya dahil ako mismo sa sarili ko hindi ko alam ang nararamdaman ko." I said and stared at Alyssa again.


"I'm proud of you, Brotha! Akala ko hindi ka na magkakaroon ng matinong relasyon. So I guess iba talaga ang nagawa sayo ni Alyssa. Iba yung nagawa ng retreat niyo sa Isla ha." Sabi niya.


"Doon nga yata talaga nagumpisa, Paps. I just hope na sana mag-work tong relasyon namin. Nagustuhan siya nila Mama." Sabi ko sa kanya.


"Good luck talaga, Paps! Di bale ipagdarasal kita ng matindi." Sabi niya at tinapik na ko. "Tara na hinahanap na nila tayo baka magtaka sa kung ano ang pinaguusapan natin eh."


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now