CHAPTER 20

5.9K 174 64
                                    

ALYSSA

Nawala ako sa iniisip ko nang may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako kaagad hoping na si Kiefer sana ang nasa likod ng pinto.



Ready na ang ngiti ko pero nawala ito nang makita na ko na si Thirdy pala. "Ate ang sabi ni manong sa akin hindi ka daw po dito matutulog." Sabi ni Thirdy.








Napatingin naman ako sa clock namin dito past 5pm na pala. "Ay! Oo thirds. Pasensya ka na ha napasarap ang tulog ko. Nasaan pala si Tita?" I asked him.






Napakamot naman si Thirdy sa ulo niya. "Huh? Ahh naglalakad lakad sila ate, ayaw kasi ni mama na magluto ng dinner now ang plano niya sa hotel na lang kami kakain, akala namin wala ka na dito yun kasi ang sabi ni manong eh." Thirdy said








"Ganon ba? Okay sige thirds. Thank you." Sabi ko at isasara na sana ang pinto.






"Wait, ate san ka matutulog pala?" Tanong niya na medyo naguguluhan pa.







Ngumiti naman ako sa kanya. "Sa isang hotel room na lang siguro thirds." I answered him.








Hindi ko alam kung anong problema ni Kiefer bakit ganon ang sinabi niya kay thirdy, eh ang sabi niya lang sa akin pumunta ako sa bahay ko dito.







Habang naliligo ako hindi mawala sa isip ko ang mga nangyayari, ito na ba yung makikipaghiwalay siya sa akin yung ibibigay na niya yung divorce na hinihingi ko.






Sa totoo lang nawala na sa isip ko ang divorce na yan ngayon ko na lang ulit naalala dahil nga dito sa tanong ni Thirdy, It feels like pinapaalis na niya ako sa bahay niya dito. Tapos naghihintay na pala yung divorce papers namin doon sa bahay ko.





I sigh deeply at pinatay ko na ang shower. Pumunta ako sa sink at tumingin sa mirror dito. "Ly, ready ka na dito dati pa lang diba? Kung makikipagdivorce siya edi okay parehas na pabor sa inyong dalawa iyon." Pagkausap ko sa sarili ko. "Stop na the drama ikaw naman kasi eh maiinlove ka na lang sa asawa mo pa." Sabi ko at natawa naman ako.




Anong masama kung mamahalin ko siya, eh asawa ko nga diba. Pinunasan ko ang luha ko. "Pero hindi kayo katulad ng mga mag-asawa na nagmamahalan, yung sa inyo dahil sa business dahil lang kailangan niyo ang isa't isa. Nagpakasal kayo hindi dahil mahal niyo ang isa't isa kundi para sa business niya at para sa mana mo." Sabi ko pa ulit.







I washed my face and went to our closet. Pinili ko ang isang kulay puti na dress na above the knee at hapit sa katawan ko. I decided to put my hair in a bun and I apply a light make up para na din hindi mahalata ang pag-iyak ko.








Bumaba na ako at nakita ko si thirdy na  nanunuod ng TV. "Thirds, bat nandito ka pa? Hindi mo ba sinamahan sila tita?" I asked him.





"Hindi, ate timatamad kasi ako eh. Babalik din yung mga yon kapag kakain na kami. Ikaw te paalis ka na ba?" Thirdy asked me.








"Oo thirds, pakisabi na lang kila tita mozzy ha. Ikaw na magpaliwanag." I said and thirdy just nodded to me tapos nagpipindot na sa phone niya.






Lumabas na ko at dahan dahan na naglakad, I don't know what will happen after this, but one thing is for sure in my 3 weeks here, I felt the love and the care that I'm longing for so long. And I will be forever thankful to kiefer for letting me feel and experienced that feeling.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon