CHAPTER 5

4.7K 143 38
                                    


ALYSSA

Nakatingin lang sa akin si Kiefer, hindi ko alam kung galit ba siya or what. Basta tinititigan niya lang ako.

Sumandal ako sa upuan ko and looked straight at his eyes. "Hindi mo ko madadaan sa mga tingin mo na ganyan, kiefer." Sa isip ko.

"Ahm. Ma'am Alyssa?" She gave me a confused look.

"You can go, Dae. I can handle this." I dismissed her.

"So, what brought you here?" I asked him innocently.

"Really? So now you're playing innocent huh? What the heck!." He gritted his teeth and looked at my eyes.

"Eh, hindi ko nga alam kung bakit ka nandito? Magtatanong ba ko kung alam ko?" Sabi ko sabay ayos ng upo ko.

"Damn!! You want to play games with me, Alyssa? Sinasagad mo talaga ang pasensya ko ha." Sabi niya sabay lapit sa lamesa ko and leaned his face to me.

"Teka..teka... Ano yan?" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo sa akin

"Hindi ba sinabi ko sayong gusto kitang makausap, ang sinabi mo sa akin pag-uwi mo galing Italy. Wow, Ly! Ilang linggo na lumipas ah. Iniiwasan mo ba ako?" He asked me, bigla akong tumayo dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal.

"I'm busy Kiefer. Marami akong deadline, kailangan ko tong matapos." Sabi ko sabay tumayo ako sa lumapit sa window. Feeling ko nasu-suffocate ako sa mismong opisina ko, badtrip tong si Kiefer eh!

"Shit, Ly. Kumalma ka nga! Si kiefer lang yan." Sa isip ko sabay kunwaring nagtitingin sa mga building sa labas.

"Sobrang busy mo nga eh, sa sobrang busy mo may time ka pa to go sa bar nung isang araw. Sobrang busy mo talaga, babe." Sarcasm is really evident on his voice.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Excuse me lang kiefer ha, the last time I checked wala ka dapat pakialam sa mga ginagawa ko, baka nakakalimutan mo mag-asawa lang tayo sa papel." Sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.

He chuckled. "Oh! No! Babe hindi ko nakakalimutan, hinding hindi ko makakalimutan na asawa kita, Alyssa Ravena."  Sabi niya na sadyang diniinan pa pangalan ko.

"Eh ikaw ba? Baka naman ikaw ang nakakalimut na may asawa ka. Well let me help you to remember that you are still married to me, your husband Kiefer Ravena. Okay na ba?" Sabi niya sabay ngisi sa akin.

Napatigil ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ano bang kailangan mo sa akin ha, Kiefer? Kung tungkol doon sa mga pictures natin na kumakalat, sorry pero wala akong magagawa doon, hindi ko hawak ang pagiisip ng mga paparazzi." I said and decided to drink my coffee. 

"Alyssa, pinapaalala ko lang sayo magkaiba tayo ng mundo, sikat ka dahil sa pagmomodel mo at sa mga designs mo, pero ako sikat ako dahil sa business namin and kailangan kong ingatan ang image ko at alam mo bang ang dami ng nagtatanong sa akin tungkol sa issue na to. Damn it!! Pagkatapos lumabas ng mga pictures mo na halos hubad ka na tapos lalabas yung pictures natin? Ano sa tingin mo ang sinasabi sa akin ng mga tao ngayon ng mga business partners ko?" He asked me.

"I have a meeting with a big client now pero nagcancel siya dahil sa mga pesteng litrato na to. Now let me asked you again. What have you done, Alyssa? Paano kapag nalugi kami." Sabi niya na galit na galit na.

Akal ko kagabi nag-aalala siya para sa akin pero ngayon nalaman ko na pala ang dahilan kung bakit ganon ang reaksyon niya, selfish talaga sarili niya lang iniisip niya.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon