CHAPTER 12

5.6K 126 29
                                    

ALYSSA

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko, nakalimutan ko palang isara ang kurtina kagabi. Tinanggal ko ang braso ni Kiefer na nakayakap sa akin. At tumayo ako para isara ang kurtina.








Apat na araw na kami dito sa Isla at bukas na kami babalik sa mismong resort niya nagdecide si Kiefer na magtagal pa kami dito ng ilang araw, kahapon nagpunta kami doon sa sinasabi niyang blue rock, totoo nga na mayroon mga asul na bato. Sa loob siya ng kweba at sobrang ganda ng lugar punong puno ng mga blue na bato at ito ang nagsisilbing ilaw ng kweba.







Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko at gawin ang aking morning rituals nagpasya akong magluto ng breakfast namin, sana naman maayos kong magawa. Lumapit ako sa kama at tinignan si Kiefer.







I love watching him sleeping, ang cute cute niya nakapout pa tapos mukhang anghel talaga. Hinaplos ko ang buhok niya tapos napangiti ako kasi napa kunot noo pa si Kiefer, I can't help but to kiss his forehead.




Dumiretso ako sa kichen at nakita ko si Nanay Lorie na nagreready ng mga lulutuin niya.






"Good morning, Nanay." Bati ko dito at humalik sa pisngi niya.







"Magandang umaga anak. Nagugutom ka na? Anong gusto mong almusal?" Sabi sa akin ni Nanay.






"Ahm.. Nay pwede po bang ako na lang ang magluto ng kakainin namin ni Kiefer. Gusto ko po sananag lutuan siya." Sabi ko na medyo nahihiya pa.







"Ganon ba? O sige maganda yan anak mag-practice ka na para kapag kinasal na kayo ni Kiefer, marunong ka na." Sabi ni Nanay at hindi ko naman mapigilan na tumawa sa sinabi niya.





"Kaya mo na ba dito, Nak? Kailangan ko kasing bumalik sa bahay at may ginagawa pa kami ng Tatay Greg mo." Sabi niya sa akin.







"Opo, Nay. Kaya na po dito. Ingat po kayo pabalik sa bahay niyo. Salamat po Nay." Sabi ko sa sakanya.







Nagsimula na kong kumuha ng mga kailangan kong gamit, binuksan ko ang ref at kumuha ako ng eggs at hotdogs may nakita pa kong bacon at kinuha ko na din to. I decided to cook fried rice because kiefer likes eating heavy breakfast, hindi daw siya nabubusog sa tinapay lang.





I mastered cooking fried rice and scrambled eggs, ito lang yata ang kaya kong lutuin sa lahat kapag ganito na ang niluluto ko gustong gusto ni Ella.





Sinunod ko ang bacon at hotdog at habang nakasalang to nagsimula naman ako mag brewed ng coffee para kay Kiefer and I settled with orange juice. Masyado akong natuwa sa pag-aayos ng inumin namin nang makaamoy ako ng sunog.





"Oh! Shit! No please." Patakbo akong lumapit sa stove at halos maiyak ako sa nakita ko sunog na hotdog. "Kitchen is really not my thing." Naglagay ako ulit ng hotdog sa pan at binantayan ko na to ng maayos.



"What's that smell?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, Si kiefer na halatang bagong gising lang.






"Sunog na hotdog. I'm sorry hindi ko namalayan sobra akong nagfocus sa paggawa ng inumin natin." Sabi ko at yumuko ako.





"Hmmm... You cooked our breakfast?" Tanong niya sa akin.





"Yes, naisip ko lang kasi, Hindi pa kita napapagluto ng kahit anong pagkain matagal na tayong mag-asawa eh samantalang si Ella kaliwa't kanan na ang panglalait sa cooking skills ko." Biro ko pa.







Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now