CHAPTER 29

5.1K 129 28
                                    

ALYSSA

Nakaayos na ako kahit na mag aalas singko pa lang. Kanina pa ako kinakabahan sa mangyayari ngayon.

Naupo ako sa vanity mirror ko at tinignan ang itsura ko. I am wearing a white maxi dress naglagay ako ng kaonting make up para magkaroon naman ng kulay ang mukha ko. Pinili ko ang messy bun para sa buhok ko.

Hindi ko alam kung bakit ang sama sama ng pakiramdam ko kanina pa to pagkagising ko. Kumain lang ako at nagpahinga tapos nagpunta sa tabing dagat. Pati kasi si Ella hindi ko din makita eh.

Palabas na sana ako ng mag-ring ang cellphone ko.

"Chiena's calling"

"Yes, chie?"

"Ly!!! Guess what!?"

"What? May nangyari ba?"

"Damn! Alyssa!! Victoria's secret management what's to have a meeting with me."

"Oh my gosh!"

"Yes! Oh your gosh! Alyssa ito na ang pangarap mo! Sana magtuloy tuloy na ito. Kailangan mo kaagad umuwi dito sa London."

"Okay chie, please update me. Okay?"

Pagkababa ko ng tawag tumayo na ako at nang mapatingin ako sa tiyan ko napapikit na lang ako bigla.

"Oh! No."

Napahawak na lang ako sa ulo ko and said a little prayer for guidance and help.

Hindi ako manhid para hindi mapansin ang mga nararamdaman ko ayaw ko lang na mag-assume ng kung ano hangga't hindi pa sigurado ayaw ko muna malaman ni Kiefer.

"Besh?" Si Ella na nakasilip sa pinto ng kwarto namin. "Ready ka na ba? Nandito na si Luigi."

Tumango naman ako sa kanya at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Besh bakit parang mas lalo kang gumaganda? Ako ba talaga nahihiyang sa klima ng Siargao o ikaw?" Ella said and pinched my cheeks.

"Sira! Tigilan mo ko donya!" Sabi ko at naglakad na kami palabas sa kwarto. "Besh kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit."

"Relax si Kiefer lang naman ang naghihintay sayo diba?" Sabi niya at nakita na namin si Luigi sa naghihintay sa amin.

"Mas lalong tatamaan si Kiefer sayo niyan. You look amazing Alyssa." Sabi niya at ngumiti sa akin ng matamis.

"Isa ka pang bolero. Tigilan niyo ako tara na ihatid niyo na ako." Nagsimula na kaming maglakad.

"Daming alam niyan si Kiefer. Pwede naman kayong magdinner na lang dyan sa labas or kaya sa restaurant. Buti na lang talaga may pagkain na ready pagbalik ko." Sabi ni Ella habang naglalakad kami.

"Boto na boto ka naman eh." Sabi ko at tumawa kami ni Luigi.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang nasa harapan ko. "Besh love you gusto ko palagi ka lang masaya." Si Ella na nakahawak pa sa braso ko.

"Kanina pa naghihintay si Kiefer." Luigi said and smiled to me. "Ly, please understand kiefer na lang mabait naman yan kahit na masungit madalas." Sabi niya pa at hindi ko naman mapigilan na ngumiti sa kanila.

Iniwan na nila ako doon nilingon ko pa sila at nakita ko na nagtatalo na naman sila. Hay nako! Kailan kaya magkakasundo tong dalawa na 'to.

Nagsimula na akong maglakad at habang naglalakad ako unti unti din bumubukas ang mga ilaw na nasa paligid nito.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora