CHAPTER 36

4.6K 171 74
                                    

~~~~~

Hinawakan ni Ella ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa restaurant kung saan nandoon sila Luigi kasama sila Von at ang mga kaibigan pa ni Kiefer.

"Relax, sagot kita dito Ly." Sabi ni Ella at ngumiti sa akin.

Sinilip ko ang loob at nakita kong kumpleto na sila kami na lang ni Ella ang hinihintay.

"Hi guys!" Sabi ni Ella at kumaway sa kanila.

"Hello, good afternoon." Sabi ko at ngumiti sa bawat isa.

Tumayo naman si Laura at Justine at niyakap kaagad ako ng mahigpit.

"Ly, ang ganda ganda mo lalo." Sabi ni Justine at niyakap ako.

"Sabi ko sayo diba. Mas lalong gumanda si Alyssa ngayon." Sabi ni Lau ngumiti naman ako.

"Nahiyang ka sa Brussels, Ly." Sabi pa ni Justine.

Tinignan ko sila Von pero seryoso lang ang tingin nila sa akin.

"Tara na upo na. Gutom na ako." Sabi ni Ella at hinila ako para tumabi sa kanya.

"Ly?"si luigi at lumapit kaagad sa akin. "Buti naman umuwi ka na. Lagi akong dinadramahan ni Ella na ikaw daw ang gusto niyang maid of honor kung wala ka daw hindi matutuloy ang kasal " Sabi niya pa. Napangiti naman ako at kinurot si Ella ng mahina

"Kumusta ka, Ly?" tanong ni Baser sa akin.

"Okay lang. Okay pa naman." Sabi ko ngumiti naman siya.

"Bakit ka bumalik?" Tanong ni Von na nakatingin sa akin ng seryoso. "The last time I checked sabi mo masaya ka na, na okay kana. Diba ayaw mo pang ipaalam na nasa Brussels ka. What happened? Hirap talaga kalaban ang konsensya no?" Von smirked to me.

"Von!" saway ni Laura dito.

"Ahmm. Kasi diba para sa kasal tong meeting na to so iba muna tayo ng topic ha." Sabi ni Luigi at ngumiti sa akin. "So kumpleto na tayo. As you can see napaaga nga ang kasal namin si Ella kasi ayaw na malayo ni Ella sa akin."

"Hoy! Ang kapal ng mukha nito. Sampalin kita dyan." Sabi ni Ella.

"Battered husband wala pa man." Sabi ni Baser. Nagsitawanan sila.

Nag-uusap pa sila pero hindi ako mapakali.

Nasan siya?

Gustong gusto ko ng sabihin na hindi pa kami kumpleto wala pa kaya si Kiefer.

"Are you looking for him?" Von asked me.

Natahimik ulit ang table namin sa sinabi ni Von.

Tinignan ko siya sa mata. "Oo. Nasaan siya?" I asked him. Hinawakan naman ni Ella ang kamay ko.

"Pwedeng sa bahay nila. Pwede din naman umalis na sa Pilipinas. Pwedeng lumayo na. We don't know. Ilang buwan na din kaming walang contact sakanya." Sabi ni Von sabay inom sa whiskey niya. "Alam mo Ly galit ako sayo eh. Galit na galit ako sayo pero ayaw ni Kiefer na magalit kami sayo. Ayaw niya." Sabi niya.

Umiwas ako ng tingin kay Von at kinagat ang pang ibabang labi ko. Pinipigilan kong umiyak. Ayaw kong makita nilang mahina ako.

"Yung nagpropose ako kay Ella iyon ang huli naming pagkikita Ly." Sabi ni Luigi

"Nasan siya? Hindi niyo ba siya hinanap?" I asked them.

"Hindi Ly. Ayaw kasi ni Kiefer eh. Ang sabi niya lang sa amin nun. Maayos daw siya okay na siyang mag-isa kaya naman daw niya." Sabi ni Baser.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα