CHAPTER 33

3.9K 123 34
                                    

~~~

"Mommy!! Bilis mo po!" Sabi ni Lia habang hinahatak ako.


"Lialove napaka-energetic mo naman today. Last night lang naiiyak ka pa sa akin." Sabi ni Ella na hawak naman ang kabilang kamay ni Lia.



"I'm happy today Tita Ninang because Mommy is here." Sabi niya na nakangiti pa.



"Diba sabi ni Tita Ninang magtatagalog tayo?"



"Opps. Sorry tita nang. I can't help it. Oppss sorry again." Sabi ni Lia at humagikhik pa.


Matalas na siyang magsalita ngayon. Bago siya mag 1st birthday nakapagsalita siya ang Mama at Papa. Swerte din siguro dahil hindi niya ako pinahirapan pa at natuto din siya kaagad. Nakatulong si Wilna at Ella na palagi siyang dinadaldal.



Nandito kami ngayon sa "Parc du cinquantenaire". Hindi namin nakasama si Wilna ngayon dahil may mga aasikasuhin pa daw siyang mahalaga.



"Lia! Huwag kang lalayo dyan ka lang. And please baby don't run ha." Sabi ko na naupo kami ni Ella sa isang bench dito. Sinundan ko ng tingin si Lia na nandoon na sa may fountain at hawak ang ibang bulaklak na nalalaglag sa puno.



"Besh hanep ka talaga no alam mo naman na sobrang lamig ngayon bakit dito niyo pa napili ni Lia pwede naman sa mall na lang tapos manuod tayo ng cine." Sabi ni Ella at hinipan niya ang kamay niya tumawa naman ako at tinignan niya lang ako ng masama.




Binalik ko ang tingin ko sa anak ko at napangiti ako ng tumawa siya may kalaro na kaagad na kasing edad niyang bata lumingon siya sa akin na nakangiti at kumaway pa. I waved back and smiled widely to her.



"Dito kasi gusto ni Lia besh. Nung nakaraan niya pa ako kinukulit na pumunta dito malayo lang pero dahil may bonus ako napagbigya ko na siya." Sagot ko and sipped my coffee.




"Besh kapag baby boy ang first baby namin ni Luigi ipapartner ko silang dalawa ni Lia ha." sabi niya at napatigil naman ako sa pag-inom.




"Jorella!! Huwag ang anak ko ha
Tigilan mo ako sa iba ka na lang mang-trip!" Sabi ko at inirapan siya.




"Ang pretty pretty kasi ng baby girl mo eh. Hindi ka naman maganda besh pero ang ganda ganda ng anak mo. Sabagay lahat naman nakuha niya kay Kiefer." Sabi ni Ella at hindi ko na mapigilan ang sarili kong sabunutan ng mahina si Ella.



"Hoy! Hindi naman lahat nakuha niya kay Kiefer. Yung ugali sa akin yun sure ako dyan. Mabait ang anak ko." Sagot ko sa kanya.



Totoong kamukha ni Lia si Kiefer. Nakuha niya ang Mata, ilong at labi ni Kiefer. Ang kilay at ang cleft chin lang ang nakuha niya sa akin. Mukha talaga siyang girl version ni Kiefer.



"Ah basta kahit anong mangyari kailangan ang baby boy ko ang makatuluyan niya." Sabi ni Ella sa akin binato ko naman siya ng tissue.



"Tigilan mo ako Jorella! Hindi kita gusto maging balae hindi tayo pwede parehas tayong hindi magkakasundo." sabi ko at tumawa naman si Ella sa sinabi ko.



"Sabagay naiimagine ko din si Kiefer kapag sinabi ko to sa kanya baka hindi na kaagad makalapit yung baby boy ko." sabi niya at tinawag ko na si Lia na lumapit sa amin.




"Shhhhh..... Kagabi ka pa nagsasabi ng bad word nakakairita na." Sabi ko at humagalpak naman siya ng tawa.



"Pero minahal mo naman." Sabi ni Ella at tinignan ko siya ng masama. Inabutan ko ng tubig si Lia at umupo naman siya sa lap ko. "Ay! Mali mahal mo pa din pala." Sabi niya at hinampas ko na siya ng towel na hawak ko.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon