CHAPTER 39

5K 155 60
                                    

~~~~~

Umahon ako sa dagat at naglakad papunta sa pangpang. Naupo ako sa nilatag kong towel dito.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Alam ko may mali talaga.

"Bakit nakabukas ang laptop mo?" I asked him.

"Ah... Yan ba? Pinapunta ko kasi si candra dito tapos pinabukas ko yan sa kanya at pinabasa ko yang report na yan. Kahit naman hindi na ako ang boss kailangan dadaan pa din sa akin." Mahabang paliwanag ni Kiefer sa akin.


Hindi ko pa din siya tinitignan. Nasa laptop pa din ang tingin ko. Hindi ko alam pero iba ang nasa isip ko.


"Ly? Anong iluluto mo?" Tanong ni Kiefer sa akin.

"Bahala na." Sagot ko at lumabas sa kwarto namin nang hindi siya tinatapunan ng tingin.


Niyakap ko ang sarili ko dahil sa pag-ihip ng panghapon na hangin. Iniwan ko si Kiefer sa loob ng bahay. Simula ng makita ko yung laptop na nakabukas hindi ko na siya kinausap nagpapanggap ako na may mga ginagawa para hindi kami makapag-usap.

Hindi ko maiwasan na balikan ang buhay namin ni Lia sa Brussels. Kung ako lang ang tatanungin mas gusto kong manatili doon. Oo mahirap ang buhay pero mas tahimik kaming dalawa doon.


Naalala ko ang mga ngiti ni Lia nang makilala niya sila Tita Mozzy at ang mga Pinsan niya. Alam kong gustong gusto na niya dito sa Pilipinas.

Hinilot ko ang sentido ko at tinignan ang papalubog na araw.


"Sunset na ba Alyssa?" Si kiefer na nakatayo sa medyo malayo pa sa akin.

Siguro oras na din para pansinin ko siya ang tahimik ng buong bahay eh. Hindi ako sanay na hindi siya nagsusungit.

"Oo. Just walk straight Kiefer. May nilatag akong towel dito." Sabi ko na nakatingin sa kanya. Dali dali naman siyang sumunod sa sinabi ko.

Umupo siya mismo sa gilid ko. Tahimik kong pinanuod ang sunset. Nakita ko naman na nakatingin din si Kiefer doon. Pero mukha siyang malungkot.

Iniwas ko ang tingin ko at hinayaan na hanginin ang buhok ko.


"What happened to us Ly?" he asked me.

"I don't know kiefer." I said. "At one moment we were arguing about petty things. Second we both decided to make the marriage real. Sobrang bilis ng lahat ng pangyayari. Almost perfect. I'm starting to believe na baka ikaw na nga, ikaw na ang katuparan sa lahat ng pangarap ko noon. But things happened."

"Bakit ka sumuko sa akin Ly?" He asked me again.


"Because you gave me a reason to give up." Sabi ko at kinagat ko ang labi ko ayaw kong umiyak. "Ikaw? Bakit mo ako niloko?" I asked him. Gumaragal na ang boses ko.

Tumawa siya sa sinabi ko. "Niloko? Alam mong mahal kita Alyssa. Alam mo yan. At ikaw lolokohin ko edi parang ako na din mismo ang pumatay sa sarili ko."


"Pero yon ang totoo kiefer. Sa tingin mo ba aalis ako ng walang dahilan ha? Sa tingin mo ba iiwan kita nang ganon ganon lang? May pangako tayo Kiefer at kilala mo ako hindi ako marunong bumali ng pangako pero you pushed me to my limit." I said. Nanginginig ako sa sobrang galit ko sa kanya.

"Bakit mo ba pinagdidiinan na niloko kita ha? Ly wala kang pruweba." Sabi niya sa akin.


"Mayroon! Hindi ako mababaw na aalis na lang ng ganon kiefer." Maharas kong pinunasan ang luha ko. "I saw it Kiefer. I saw it with my own eyes. Ang sakit, akala okay na ako. Akala ko wala na sa akin yun pero masakit pa din pala." Sabi ko

Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon