CHAPTER 37

4.3K 144 58
                                    

~~~~~

Nakaluhod pa din ako habang nakatayo si Kiefer at umiiyak na din.


Hindi ako makapaniwala na nangyari sa kanya ito. Bakit? Paano?



Tinitigan ko siya habang kinukuha niya ang isang kawayan na manipis at pilit na hinahanap ako.



Nakumpirma kong bulag siya. I touched my chest, hirap na hirap na akong umiyak ng walang tunog ayaw kong marinig niya akong umiiyak.



"Kiefer." I said huminto siya sa paglalakad at muling naupo sa kaninang bato.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at gumapang naman ako palapit sa kanya. I touched his arms pero lumayo lang siya sa akin. "Hindi ko kailangan ng awa mo Alyssa. Kung nandito ka para dyan maaari ka ng umalis." Sabi niya pa at mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya.



Tama nga ang sinabi nila Bea ayaw niyang kinakawaan siya.




"Kief?" I said and touched his face. "I came back because I need you. I missed you kiefer." Sabi ko at nilapit ang mukha ko sa kanya.


Nakita ko ang mga mata niya. Ang matang gustong gusto kong palaging nakikita. Pinagdikit ko ang mga noo namin at mas lalong naiyak nang makita ko ang tagos na tingin niya sa akin.



"I'm sorry." I whispered. "I'm really sorry." I said and kissed his cheek.




Pumiksi naman si Kiefer sa hawak ko at pilit na tumatayo.



"No! Please no! Kiefer." I said and hug him tight. "Huwag kang lumayo, huwag kang lumayo sa akin Kief."




Tumawa naman siya at hinawakan ang braso ko. "Huwag akong lumayo? Sayo pa talaga galing yan ha. Wow! Alyssa! Grabe ka!" Sabi niya at pilit na lumalayo sa akin.



"Kiefer huwag naman ganito oh. Nagkamali na ako dati nung hindi kita pinakinggan ayaw ko ng maulit pa yun muli." sabi ko pero wala na siyang imik.




I wiped my tears and hug him tight. "I'm here na. Nandito na ako Kief." Bulong ko at hinawakan ang buhok niya.



Ilang minuto din ako nakayakap sa kanya pero hindi niya sinuklian ang yakap ko. Umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay niya pero nilayo niya lang ito.



Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Kief? May masakit ba sayo?" I asked him.



"Ano bang kailangan mo sa akin ha? May nakalimutan ka pa ba dito? Di bale aalis na din ako dito sa lupa mo. Tutal nandito ka na din naman eh." sabi niya pero umiling lang ako at niyakap siya.



"Huwag ganito kief please. Mag-usap tayo. Huwag ganito." Sabi ko




"Alyssa sabi ko naman sayo hindi ko kailangan ng awa mo. Bulag lang ako pero kaya ko ang sarili ko. Kung pinapunta ka dito nila Mama para alagaan ako hindi ko kailangan nun. Umalis ka na." Sabi niya na pilit akong nilalayo sakanya pero mas hinigpitan ko lang ang yakap ko.




"Alyssa please lang. Iwanan mo na ako. Magiging pabigat lang ako sayo." Sabi niya na pilit akong inaalis sa kanya.




Tiningala ko siya at hinalikan sa baba niya. "Kiefer. I lo--"



"Papa?"



Napatigil ako nang makarinig kami ng boses ng batang lalaki.



Ano na naman ba ito!?



"Pa? May bisita ka po pala. Kasama ko si Mama." Sabi pa nung bata.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now