CHAPTER 40

5.7K 160 68
                                    

~~~~~

"Ly!!" Pagtawag sa akin ni Kiefer. Pagkababa ko ng phone tumakbo kaagad ako papasok sa loob ng kwarto namin at iniwan sila ni Candra.


Nagmamadali akong nagpalit ng T-shirt at shorts.


"Ly! Calm down!" Sabi ulit ni Kiefer sa akin. At hinawakan pa ako sa braso ko.


Pumiksi ako at nagmamadaling tinanggal ang T-shirt niya at pinalitan ito ng nakuha kong damit sa closet. Pagtingin ko damit pa din pala ni Kiefer.

Shit naman oh!!


"Alyssa! Please kumalma ka nga!"Sabi niya na medyo naguguluhan na sa akin.



"I can't do that! Hindi ako kakalma Kiefer, hindi ko magagawa yun kasi may nangyaring masama sa anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya." Sigaw ko at humagulgol na ako.


Habang tumatagal ako dito mas lalo akong kinakabahan kailangan ko na makita ang anak ko.


"Okay...okay... Just calm down Ly. Pupunta na tayo sa manila. Just please kumalma ka." Sabi niya at kinuha sa drawer ang susi ng sasakyan niya.



Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan niya. Sobrang bilis ng naging byahe namin ni Kiefer.



Pagkarating sa hospital hindi ko na hinayaan na magsalita si Kiefer. Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan niya at tumakbo papasok sa loob ng hospital.


Nakita ko si Ella na hindi mapakali. Sila tita Mozzy at tito Bong na nakaupo pero umiiyak na din. Si Thirdy na pinapakalma si Bea.



"Ma? Anong nangyari?" Si kiefer na nasa likod ko na. Napalingon silang lahat sa amin.



"Nasan ang anak ko?" I asked them.



Lumapit sa akin si Ella na umiiyak. "Nasa operating room pa siya besh. I'm sorry hindi ko naalagaan si Lia besh. Patawarin mo ako." Sabi niya at nilapitan ako.


Naglakad ako palapit sa operating room. Gustong gusto ko na tong katukin para makita ang anak ko.



"Baby nandito na si Mommy. Please don't leave Mommy, Lia. Please fight anak." Sabi ko. Alam kong hindi ako naririnig ni Lia.


Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kiefer sa likod.  "Shh.. She's a fighter. Hindi niya tayo iiwan babe."



"Hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin. Hindi ko kaya kiefer." Sabi ko at hinila ako palapit ni Kiefer sa kanya.


Pinaupo ako ni Kiefer at hinawakan ang kamay ko. "Anong nangyari Mama?"



"Doon ko sa bahay pinatulog si Lia. Tapos kaninang umaga niyaya siya nung dalawang bata doon sa kwarto mo. Nakita niya ang mga pictures niyo ni Alyssa, including yung kay Keith. Nagkwento tong dalawa tungkol kay Keith at nasabi nga nila na anak mo daw. Nagulat na lang kami ng marinig naman na may sumisigaw at tumatakbo tapos nakita namin na nalaglag na siya sa hagdan." Paliwanag ni Tito bong.


"Oh! Damnit!!" Si kiefer na hindi pa din binitawan ang kamay ko. Niyakap niya ako at kinintalan ng halik sa noo.


"I'm really sorry mga anak. Hindi namin nabantayan si Lia. Patawarin niyo kami." sabi ni Tita Mozzy na lumapit sa akin. "Ly, sorry." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.


Tumango lang ako sa kanya at tumayo para silipin ang nangyayari kay Lia.



"Besh? Maupo ka muna please." Si Ella na nakahawak sa braso ko. Tinignan ko lang siya sa mata ng walang emosyon.


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now