CHAPTER 3

4.5K 156 26
                                    

----

ALYSSA

"Besh! Kailan mo ba balak ituloy yung naka sched na vacation natin sa Siargao? Para naman makabili na ko ng two piece besh." Sabi ni Ella sabay upo sa couch dito sa office ko.



Kakauwi ko lang last night galing sa photoshoot ko sa Italy at dahil sa marami akong pending na designs pinili ko na lang na pumasok at ito na nga si Ella kanina pa ko kinukulit.


"Besh, ano ka ba? Sobrang busy ko pa. Basta after nitong collection ko promise tutuloy na tayo. Basta yung pangako mong magsusuot ka ng two piece, inaasahan ko yan." Sagot ko sa kanya na napapangiti pa.


"Sinasabi ko sayo, Alyssa. Umaasa ako malay mo doon ko na pala mameet ang ka-forever ko. Besh support mo naman ang lovelife ko." Sabi niya pa.


Natigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa opisina ko. Si Dae pala.

"Ma'am? Excuse me. May delivery ka ng Flowers." Sabi niya na nakangiti sa akin. "Yiieeh! Mukhang ibang lalaki to sa lahat ha."


"Dae, alam mo naman kung saan ang bagsak ng mga flowers na yan bakit binibigay mo pa din." Sabi ni Ella sabay tuloy sa pagkain niya ng mga pasalubong ko sakanya.


"Eh kasi naman Donya, bukod sa hindi ito roses, tapos alam mo ba bago lang to kasi naman initials lang ang binigay tapos ang sabi pa daw basta ibigay ko lang kay Ly tapos alam na niya daw kung sino yun. Ang gwapo pa nga nung nagbigay eh hindi delivery boy parang secretary yata yun sabi niya pa galing daw sa boss niya." Sagot niya kay Ella. Sa tagal na din namin na magkasama ni Dae naging close na din sila ni Ella.




"Hala! Gwapo talaga? Bakit hindi mo ko tinawag, Dae. Baka siya na ang hinahanap ko. Nakakainis naman to!" Tanong ni Ella.



Napailing na lang ako sa pinaguusapan nila, talaga tong dalawa na to.



"Nagulat din ako, tapos kung makangiti pa siya sa akin yung dimples juice ko po makalaglag undies, Ella." Sabi ni Dae sabay tawa ng tawa.


"Teka, teka. Kanino ba talaga galing yan?" Tanong ni Ella na nakatingin sa bulaklak na dala ni Dae.



"Basta ang sabi lang sa akin, galing daw kay KR." Sago ni Dae na inaamoy pa ang bulaklak.


Napaangat ako ng tingin sa hawak niyang bulaklak.


"KR"

"KR"


"Sinong KR, Alyssa? Hoy besh may jowa ka na, gaga ka nagchecheat ka ba kay Ki---" binato ko siya ng ballpen at crumpled papers na nakuha ko at baka kung ano pang masabi.


"Shut up! Ella. Kung anu-anong pinagsasabi mo dyan. Sige na Dae iwan mo na lang dyan sa desk ko. Thanks, Dae." Sabi ko sa kanya.


Paglabas ni Dae sakto namang tunog ng cellphone ni Ella and I get the chanced to read the letter.



"Alyssa,

How's your newly opened boutique? Let's meet, Ly and please be home in our little nest. Stay safe.

KR"

Hindi ko napigilan na mapangiti sa letter na binigay niya. Lalo na sa "our little nest" yung condo na binili niya para sa amin right after ng wedding namin.


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now