CHAPTER 22

6.5K 148 31
                                    

ALYSSA

Pagkatapos namin kumain ni Kiefer ay nagtagal pa kami dito ng ilang oras dahil ang kulit kulit niya.

Nakatayo ako sa harap ng wedding picture namin dito sa baba, hinihintay ko lang ang pagdating ni Kiefer, pabalik na kami at masyado na din kaming late sa lunch dahil ang magaling na lalaki. Talagang hindi pumayag na hindi pa makaisa, sobrang utak talaga ni Kiefer.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa akin, Babe. Ang hirap talaga ng ganito." Sabi ni Kiefer sabay yakap sa akin sa likod.

I rolled my eyes and touched his hands. "Alam mo Kief sobrang hangin mo talaga no? Sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo." I said while suppressing my laugh.

"Sabihin mong hindi ako gwapo? Sige sabihin mo para hindi na talaga kita ibabalik doon at ididiretso kita sa kwarto natin." Sabi ni kiefer and I can't help but to giggle ang pikon talaga.

"Halika na, sabi mo kanina umaasa sila Tita na sasabay tayo sa Lunch. Tignan mo, ala-una na oh! Nakakahiya tuloy." I said at hinila na siya palabas sa bahay.

"Babe, balik tayo dito ha." Sabi ni Kiefer at nilagay ang braso niya sa leeg ko.

"Of course babalik tayo dito. And this place is very special to us." I said and hug him tight.

Naglakad na kami palabas at hindi ko na naman maiwasan na mapangiti sa mga nakikita ko.

"Ang saya naman ng asawa ko. Siguro iniisip mo ang mga ginawa natin no?" Sabi ni Kiefer at pinaghahampas ko naman siya.

"Siraulo!!" I said and punched his chest. Tawa naman ang sinagot sa akin ni Kiefer 

"Ito naman hindi na mabiro, niloloko lang kita babe. What's with the smile ba kasi?" He asked me tapos mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"I'm just happy, I'm happy that this place turned like this. You know babe madalas kami ng family ko dito kapag summer palagi ko kasing hiling iyon." I answered him.

"Well, I'm glad I gave you another meaning to love this place." He said and kissed my forehead. "Did you like the house? How about this stone paths? The plants? Oh! And the swimming pool?"

"Hey! Relax! Isa isa lang naman Babe." I laughed at ng tignan ko si Kiefer naka pout siya sa akin. "Aww. Such a cutie!" I pinched his cheek.

"To answer your question, Yes I like it, I love it Kief. Hindi ko ineexpect na papagandahin mo yung lugar. Ang akala ko kapag pumunta tayo dito ganon pa din ang maabutan ko." I said and I felt kiefer hands on my waist.

"I only want your happiness, Ly. Alam ko sobrang mahalaga sayo ng bahay niyo dito. At alam ko din ang takot mo na bumalik dito dahil sa mga alala." Kiefer said and I can't help but to smile.

Huminto si kiefer sa paglalakad at hinarap ako sa kanya. "Akin na ang wedding ring mo babe."

Kagabi, nagulat na lang ako ng ilagay ni kiefer ang singsing sa daliri ko. Nung tinanong ko siya kung paano niya ito nakuha. Ang sabi niya lang nung naliligo daw ako tinignan niya ang gamit ko at doon niya na ito kinuha.

Binigay ko sakanya ang engagement ring at wedding ring ko. Hinubad niya din yung sakanya at nilagay ang mga singsing namin sa necklace niya tapos sinuot niya yung necklace sa kanya.

"Don't worry, Babe. I will use the Girlfriend ticket for now. Pero kailangan na natin sabihin sa kanila ang totoo ha. Lalo na kay Mama."

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Thank you, Babe! Babalik na lang tayo dito ha." I said and kiefer kissed my forehead again.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now