CHAPTER 19

5.7K 156 39
                                    

ALYSSA

Tumayo ako at sumilip sa parte ng lupa ko dito sa resort ni Kiefer. Nandito kami sa may swimming pool area at naliligo sila Dani.

Mula sa pwesto ko makikita mo ang daanan papasok sa lugar ng munting bahay namin doon. Matagal na ko dito sa resort pero hindi pa din ako nakakapunta doon nagtataka na ko kay Kiefer kung bakit hindi niya pa din ako dinadala doon.

Ang sabi niya sa akin nun bibigyan niya ako ng passed pero hanggang ngayon hindi na nangyari, nakalimutan niya yata tapos dumating pa ang parents pa.

"Ate anong tinitignan mo dyan?" Sabi ni Thirdy at tumabi sa akin.

"Wala, thirds. Nagagandahan lang ako doon sa parte ng resort na yun? Teka kasama pa din ba yun sa pag-aari niyo?" I'm trying not to sound so curious baka makahalata si thirdy.

"Ay! Yung daanan ba na yan ate?" I nodded and. "Yes ate, alam mo ba ang tagal muna bago nakuha ni manong yang parte na yan. Ilang buwan prinoblema ni manong yan eh. Kaya nga nagulat kami nung sinabi niya na pwede na nga daw simulan ang paggawa." Sabi niya na nakatingin na din.

From our place here ang makikita mo lang talaga ay yung daanan na halatang pinaayos ni Kiefer at ang kulay maroon na bubong ng bahay na konti lang din. Mukhang pinaayos na talaga ni kiefer punong puno na siya ng mga halaman at may bakod na din.

"Ano yun, Thirds? May bahay kayo ulit doon?" I asked him.


"Ay! No ate. Hindi nga kami pwedeng pumasok sa part na yan eh. Alam mo ba minsan tinakasan namin yung mga bantay dyan nakapasok yata kami hanggang sa labas lang ng bahay. Grabe sobrang ganda nung bahay ate. Niloloko nga namin si manong na may bahay na siya babae na lang ang kulang." Sabi ni thirdy na tumatawa pa.

"So? Never niyo pang nakita ang loob ng bahay? Kahit sa pictures man lang?" Tanong ko sa kanya. Napakunot noo naman si thirdy sa akin.

"Never pa ate. Ewan ko dyan kay manong nung tinanong ko siya ang sabi niya sa akin na pabiro noon kailangan ang unang makakakita nung bahay yung asawa niya daw dapat." Sagot ni Thirdy. At hindi ko mapigilan na ngumiti sa sinabi niya.

"Bakit mo pala natanong ate?" Tanong ni thirdy at tumingin sa akin. .

"Nung unang araw ko kasi dito pumunta din ako dyan pero hindi ako pinayagan nung guard. Tapos from our place here makikita mong maganda talaga yung sa parte doon." I answered him. Kailan kaya ako ulit makakapunta sa bahay namin dyan.

"Hintay ka lang ate malay mo naman diba?" Sabi niya na nakangiti sa akin.




Napatingin kami kila Dani nang marinig kong tumili siya.

"Manooooooong! Ano baaaaa." sigaw ni Dani at halatang badtrip na. Paano binuhat siya ni kiefer at hinagis sa pool.

"Kawawa talaga si Dani sa inyong dalawa no?" Sabi ko.

"Yes ate, sobrang pikon talaga nyan ni Dani, bunso na kasi kaya lahat ng gusto niya binibigay nila Mama. Nung dumating siya nung mga panahon na malapit ng mawala kila Papa ang business, kaya sobrang mahal na mahal namin yan si Dani, she gave sunshine to us." Thirdy said while smiling.

"No wonder na na-inlove sayo si Bea. Magaling kang magsalita eh." Sabi ko kay thirdy at napahalakhak siya sa sinabi ko. "Ang unique kaya ng pagkakakilala niyo. Grabe sana nasaksihan ko ng live yun. Naiimagine ko yung mukha mo eh." Sabi ko pa na tawa na din ng tawa.

"Ate naman! Sobrang nakakahiya talaga yun, as in sapol ako sa mukha. Grabe yan si Bea eh pero yung totoo pala patay na patay siya sa akin. Crush na crush niya kaya ako ate talagang nagpapansin siya sa akin nun." I laughed harder ng marinig ko ang sinabi niya.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now