CHAPTER 38

4.9K 158 70
                                    

~~~~~

Nagising ako dahil parang may mabigat na nakadagan sa binti ko at beywang ko.

Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha na matagal ko ng hindi nabubungaran sa umaga.


Kiefer



Natulog kaming may mga unan sa gitna pero ngayon ang mga unan ay nawala na.

Parang dati lang


I can't help but to smile and touched his nose, his eyes and his cheeks. Kamukhang kamukha ni Lia sa lahat ng anggulo. Kaya kahit na iniwan ko si Kiefer feeling ko palagi ko pa din siya kasama dahil kay Lia.



Tumayo ako at nag-ayos na ng sarili. Inayos ko pa ang kumot niya at hinalikan siya noo. Dumiretso ako sa kusina at nagpasya na magluto na.



I prepared sausages bacons and eggs. Nag-toast na din ako ng bread. Walang ibang stocks dito. Mamaya sasabihan ko na si karen na maglagay ng stocks dito.


Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ella.



"Good morning Besh. Can I talk to Lia?" I asked her.




"Of course besh. Wait lang baba lang ako ha." Sabi niya at naririnig ko ang pag-aayos ni ella.


"Bakit ang ingay besh?" Tanong ko sa kanya. Naririnig ko kasi ang hagikhikan at tilian ng mga bata. Nasa condo ni Ella si Lia at Wilna.



"Ay! Nako! Besh ang aga nila tita Mozzy dito. Kasama ang mga junakis ni Bea. Ang saya saya nga ni Lia eh." Sabi niya napangiti naman ako.




Mabuti para hindi niya din ako masyadong mamiss. Sa lagay ni Kiefer ngayon hindi ko alam kung kailan kami makakabalik.


Nagpapabebe pa.


"Ito na si Lia besh." Sabi niya at narinig ko naman ang pagtawa at pagtili ni Lia sa kabilang linya.



"Mommmmmmy!! Uwi naaaaaaa!! Miss na kita." Sabi niya at hindi ko mapigilan na malungkot.



Ito na ang pinakamatagal na hindi ko nakasama si Lia. Pati sa pagtulog, first time namin na hindi magkasama. Namimiss ko na ang baby ko ang arte arte kasi ng tatay niya. Nilagay ko sa speaker phone. Para mas maayos ang pagluluto ko.



"I miss you more baby. Hintayin mo lang si Mommy ha." sabi ko at inayos na ang mga tinapay.




"When ka uuwi mommy? Kasama mo na si Daddy?" Tanong niya napatigil naman ako sa pag-aayos.



Hindi ko alam Lia. Hindi ko pa alam.



"Baby Enjoy ka ba dyan kasama sila Bella at Tristan?" I asked her.



"Yes Mommy. I have new friends na unlike sa Brussels ikaw si ta ninang at ta Wilna lang. I like it here Mommy." sabi niya napangiti naman ako sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone at tinaggal ito sa speaker phone.



"Ganon ba? Ang mga bilin ni Mommy ha. Wag kang magpapagod ha. Baby please sasabihin mo kay Tita Wilna or ta ninang okay?" I said.


Inaatake pa din si Lia ng hika niya kaya kailangan hindi siya masyado mapagod.



"Yes po Mommy. Ikaw ingat ka dyan palagi ha. And Mommy i-kiss mo ako kay Daddy ha and hug na din. I love you so much forever." Sabi niya napangiti naman ako.


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now