CHAPTER 15

6K 160 45
                                    

ALYSSA

"Shit!! Dani do you really need to scream? Maraming tao ang resort ngayon, ang aga aga pa para manggising ka ng mga tao!" Sabi ni kiefer at nahiga ulit.



Hindi ko alam kung paano magrereact kung ngingiti ba ako or ano. Si Dani yung bunsong kapatid ni Kiefer.


"Mamaaaaaaaaaaa!!?" Sigaw niya ulit tapos tumakbo pababa. So hindi pala panaginip yung mga naririnig kong ingay kanina.

"Kiefer!! Tayo na nandito ang pamilya mo." Sabi ko at niyugyog ang balikat niya.



"Hayaan mo sila. I'm so sleepy babe. Matulog pa tayo maaga pa naman eh." Sabi niya tapos hinatak ako pahiga at halos kalahati ng katawan niya ang nadagan sa akin.


"Kiefer naman eh. Nakakahiya sa paren--." Hindi ko natuloy dahil bumukas uli ang pinto.


"Kiefer Isaac!? Sinong babae na naman yan?? Hindi ka ba talaga magtitino!? At talagang hindi mo na inrespeto ang bahay natin dito mo talaga ginagawa yan!?" Sigurado ako ang Mama niya to. Natatakot na kong magpakita sa kanila.



"Alyssa, wala pa man. Sirang sira na kaagad ang image mo sa family ng asawa mo. Nakakahiya ka!" Sa isip ko at mas lalo akong nagtago sa ilalim ni Kiefer.


"Ma? Huwag kang sumigaw. Si ano yan eh." Sabi ni Dani na parang kinakabahan pa.

"No, Danielle! Itong manong niyo mukhang wala ng balak magtino talaga eh!" Sabi ng Mama nila.

"Ma, stop na si ano nga yan!" Sabi ulit ni Dani.




"Ano ba Dani!? Sino ba to!?" Tanong ng Mama nila na halatang naguguluhan na.

"Shit! Not now Ma." Bulong ni kiefer at tumayo na siya. "Ma I know what I'm doing, matanda na kami tsaka walang masama sa pagtulog namin ng magkatabi mag-asa--" pinutol ko ang ano mang sasabihin ni Kiefer.


"Good morning po." Sabi ko sa kanila at tumayo ako.


Parehas naman silang natulala at nakatingin lang sa akin. Bumaba ang tingin ng Mama niya sa damit ko.

"Shit! Damit pala to ni Kiefer!"


"Ohmygoooosh!! Si Alyssa Valdez nga. Ate beaaaaaaa??" Sabi ni Dani at tumakbo ulit palabas ng kwarto.


"Ma, please lumabas muna kayo. Hayaan niyo munang makapagpalit kami ng damit at makapag-ayos, sasagutin ko lahat ng tanong niyo." Sabi ni Kiefer na halatang badtrip na.


"Bilisan niyo." Sabi lang ng Mama niya at umalis na.

Ilang minuto pa kong nakatingin lang kay kiefer na kanina pa bumubuntong hininga.

"Kief?" I said.

"Mag-ayos ka na sigurado akong kapag natagalan pa tayo dito. Kakatukin na niya tayo." Sabi niya at kumuha ng damit at pumunta sa bathroom.



Nakatingin lang ako sa kanya hindi naman ganito ang mood niya kanina eh maayos pa nga kahit nung dumating si Dani. Anong nangyari?

"Sige na, Alyssa. Bumaba ka na lang pagkatapos mo." Sabi niya at tuluyan ng umalis sa kwarto namin.


"Problema nun?" Nasabi ko na lang at pumasok na ko sa bathroom at nag-ayos.

Bilisan ko ang kilos at bumaba na ako naririnig ko sila sa dining room. Nagtatawanan pa sila.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now