CHAPTER 9

5K 136 28
                                    

ALYSSA

Nag-aayos ako ng mga damit ko ng tumunog ang phone ko, hinihintay ko lang si Kiefer dahil sabi niya ipapasyal niya daw ako dito.




"Hello? Besh? Bakit ka napatawag?" I asked Ella at bumungad sa akin ang nakasimangot na itsura niya.





"Seriously? Lakas ng loob mong tanungin sa akin yan Alyssa. Hoy! Ilang araw ka ng wala dito sa opisina mo. Ano to kinaladkad ka lang niyan si Kiefer kinalimutan mo na ko? Ang husay besh!" Sabi niya na sumisigaw pa.






"Besh naman parang ilang araw pa lang tayong nagkakahiwalay tapos ganyan ka na? Tsaka ayos na ayos ako dito, ang ganda ganda ng resort ni Kiefer, besh. Minsan igagala kita dito tapos yung foods ang sarap besh." Napapangiti na ko alam kong naiinggit na yan si Ella.







"Pakisabihan yang asawa mo kung gusto niyang tumagal pa yang pekeng relasyon niyo ako kamo ang pakisamahan at ilibre niya." Sabi ni Ella, nagulat ako dahil nakasandal si kiefer sa may pinto nakangiti. I guessed narinig niya yung mga sinasabi ni Ella.







"Hi Ella, I'm kiefer, hindi tayo nagkaroon ng time to know each other noon. Kailan ka ba free? Pwede naman kitang ipasundo dyan eh?" Tanong ni Kiefer sabay upo sa kama namin.







"Besh..... Besh? Narinig niya ba?" Si ella sa kalmadong boses. "Bakit hindi mo sinabi na nandyan ang asawa mo nakakahiya sa bunganga ko." Sabi pa niya.







Hindi ko na napigilan na tumawa sa naging reaksyon niya. "Yes besh, say hello to Kiefer." I teased her.






"Gagi ka, wala kang magawa Alyssa." Sabi niya. Madaldal si Ella kaya nagtataka ako paano siya napatahimik nito ni Kiefer.







"Just inform Alyssa kung kailan mo gustong pumunta dito ha. Sisiguraduhin ko sayong hinding hindi ka magsisisi na pumunta ka dito, sure akong magugustuhan mo ang menu namin dito. Tapos yung personal chef ko pa ang magseserve para sayo." Dagdag pa ni Kiefer.







"Alam mo tong Asawa mo Alyssa, nahahalata ko na eh, nagpapalakas ka sa akin no?" Si ella sa hyper ulit na boses niya.



"Kinda" sagot ni Kiefer sa kanya.







"Ay! Besh! Chef gino is really pogi, A very handsome chef, tapos ang sarap pa magluto. San ka pa diba?"








"Masarap din naman ako magluto ah! Nakakalamang lang siya dahil nagaral talaga siya, paano pa kaya kapag nag-aral din ako? Malamang walang Chef Gino no." Sabi ni kiefer na nakasimangot sa akin.









"Aww! Huwag ka ng magselos dahil kahit anong gawin mo mas masarap pa din magluto si Chef Gino sayo no!!" Sabi ko sabay hampas ng towel sa mukha niya








"Hala! Oh! Ang harot niyo, basta ninang ako ng baby niyo ha." Sabi ni Ella.








"Besh!! Parang ewan to, nakakainis ka!! Napakadumi talaga ng utak mo." Sigaw ko kay Ella.

"C'mon guys it's 2017." Sabi niya at tawa ng tawa ginaya niya yung sinabi ng isang artista noon, hindi ko napigilan na sabayan siya sa pagtawa. "Ay! Sabagay! Wala kang after sex glow eh, so malamang wala ngang nangyari no? Ang hina mo naman kiefer." Sabi pa niya sabay tawa ng tawa.





"Jorella Marie!! Hindi ka na nakakatuwa ha!" Naiirita na talaga ako kay Ella,  nakakahiya na tong mga pinagsasabi niya.








Dreams Into Reality (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin