CHAPTER 21

7.3K 157 62
                                    

ALYSSA

Naramdaman yata ni kiefer na natigilan ako sa sinabi niya.


"Let's eat, lalamig tong mga niluto ko." Sabi niya sabay hatak sa akin papunta sa lamesa. "I'm sorry hindi ko alam ang paborito mong bulaklak. Kasi ang sabi sa akin kahit ano naman daw tinatanggap mo." Sabi pa niya tapos pinaghatak ako ng upuan.


My sweet and gentleman kiefer.


"Okay lang kahit anong flowers and colors. Mahilig naman ako sa kahit anong klase niya." I said and smell the flowers. "By the way kasabwat mo din ba sila Tita Mozzy dito?" I asked him.


Nilalagyan niya ng foods ang plate ko tapos nang makita kong hinihintay niya ang magiging reaksyon ko sa niluto niya. Tumayo ako at lumapit sa direksyon niya tapos nilagyan yung plato niya. "Bakit kapag kakain tayo palagi mo akong pinapauna?" I asked him.


"Kasi natatakot ako eh baka hindi mo magustuhan." Sabi niya sabay hawak sa batok niya.


"Kahit ano naman na niluluto mo kakainin ko eh, because I know you put effort to it." Sabi ko sabay bumalik na sa upuan ko.


"About yung sa kanina, Babe. Si thirdy lang ang kasabwat ko dito." Sabi niya tapos sinimulan na namin na kumain.


I rolled my eyes and kiefer giggle. "Hay! Nako! Bwiset na thirdy talaga, sobrang galing niyang umarte talaga. Napaniwala niya ako ha. May pa "ate san ka pala matutulog? Ang arte arte!" I said and kiefer laughed hard.


"Sorry, babe. Magaling kayang umarte yan si Thirdy tanong mo pa kay Bea." Sabi niya sa akin.


Ilang beses na kaming nagsasabay na kumain ni kiefer but this one is different, maybe siguro nandito kami sa mismong lugar kung bakit kinailangan namin ang isa't-isa.


Ang ganda ng lugar, ang peaceful. After namin kumain tumayo ako at humawak sa balustre at tumanaw sa dagat. Sinalinan ni Kiefer ang wine glass ko at tumingin sa akin ng mataman.


"Babe? I hope hindi ka nagalit sa sinabi ko kanina." Sabi niya sabay humawak sa kamay ko.


"Hindi naman." I said and looked at my wine glass. Umupo ako sa isang nakalagay dito na silya at pinikit ang mata ko.


Naramdaman ko ang paglapit ni kiefer sa pwesto ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang medyo tensyonadong itsura ni Kiefer napa kunot noo ako sa kanya paglapit niya sa akin bigla siyang lumuhod at bigla ko naman inayos ang pagkakaupo ko. "Kief?" I said


"I'm not proposing babe, matagal na kaya tayong kasal." Sabi niya at napatawa naman ako. May nilabas si Kiefer na box at binuksan niya to. A beautiful gold necklace.

"Babe, Let me be your husband. Hayaan mong pagsilbihan kita sa mga susunod pang taon ng buhay natin. Hayaan mong maging asawa mo ako, at maging masaya tayo." Kiefer said and he wiped my tears. "Let's try, Babe please."


Tumango na lang ako dahil hindi na ko makapagsalita sa sobrang pag-iyak ko.


I am not expecting this. Kinondisyon ko na ang sarili ko na if ever divorce ang maaabutan ko dito tatanggapin ko ng buo. Kiefer never failed to make me happy. At mas lalo ko siyang minamahal ng sobra dahil dito.


Lahat gagawin ko para mahalin niya ko, sana maging worth it tong chance na binigay namin sa kasal namin. Sana ito na nga ang magiging daan para sumaya kami.


Niyakap naman ako ni Kiefer ng mahigpit. "Akala ko mapupunta sa wala yung mga kaartehan ni Thirdy eh, mahal pa naman ng talent fee nun."


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now