CHAPTER 41

6.1K 170 42
                                    

~~~~~

"Hello ate." Si Dani sabay humawak sa braso ko.

"Oh! Wala ka ng duty?" I asked her.

"Wala na ate. Tara sabay na tayong pumunta. Gusto mo tulungan kita dyan sa bag na dala mo?" Sabi niya pa sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Okay lang Dani. Kaya ko pa naman." Sabi ko sa kanya. "Susunduin ka na ba ni Gian?" I asked her.

"Yes ate. Pero maya maya pa yon. Nasan ba si manong ate?" Tanong niya sa akin.

"Nako! Ayon ayaw ng umalis sa tabi ni Lia. Hindi niya nga namalayan na wala na ako doon sa tabi niya. Kinuha ko lang tong gamit namin gusto ko kasing matulog ang lamig lang, naalala ko may pinasama pa lang kumot si Tita Mozzy dito." Sabi ko. "Ikaw baka pagod ka na? Matagal pa ba si Gian? I can asked your manong to drive." I asked her.

"No na ate. Gusto ko munang bisitahin ang babygirl natin." Sabi ni Dani na nakangiti sa akin.

"Salamat ha Dani. Salamat sa pagligtas kay Lia." Sabi ko at niyakap siya.

"Alam mo ate nung nakausap ko si Lia bago nangyari to tuwang tuwa ako sa kanya." Sabi niya at nagsimula ulit kaming maglakad papunta sa kwarto ni Lia. "Sabi niya sa akin gustong gusto na daw niya makita si Manong, pati yung picture frame na nakalagay sa bahay kinuha niya at katabi niya matulog yung picture niyong dalawa." sabi pa ni Dani sa akin.

"Alam mo Dani, nafefeel ko na dati pa lang magiging daddy's girl talaga si Lia. Parang nagcoconnect na silang dalawa. Ewan ko ba." I said napatawa naman kaming dalawa.

Binilisan na namin ang paglalakad papunta sa kwarto ni Lia. Dalawang araw na ang nakalilipas nang inakala namin na mawawala na talaga siya sa amin. I can still remember Kiefer's words that time.

"Liaaaaaa." I said and kiefer hug me tight. "No lia please. Nandito na si Mommy at daddy. Nandito na kami." Sabi ko pa sa anak ko na nakikipaglaban para sa buhay niya.

"Baby, don't leave us. Come on princess , fight! Sige na Athalia please." sabi ni Kiefer na umiiyak na din.

Dani looked at us while crying. Umiling naman si Kiefer dito. "Dani please." Sabi niya dito.

Umayos si Dani at pilit na ni-revive si Lia. "Come on! Baby! Lia!" Sabi niya at sinimulan na nilang i-revive. "Lia sige na baby."

"Lialove, Mommy and Daddy loves you so much."  Sabi ko

"Fight baby. I love you so much." Si kiefer. "Mahal na mahal kita anak ko."

Dani stopped at narinig namin ang pagtibok ulit ng puso niya.

Yumakap ako kay Kiefer at mas lalong lumuha. "Thank you Lord. Thank you po."

Nawala ako sa pagbabalik tanaw ko ng magsalita si Dani.

"Ate? Kapag nagising na ba si Lia? Babalik na ba kayo sa Brussels?"

"Siguro, hindi ko pa alam Dani." Sagot ko sa kanya.

"Maganda daw doon ate. Naghahanap kasi kami ng honeymoon place ni Gian ate. Marami bang maganda doon?" Tanong niya pa sa akin.

"Ay! Oo naman. Huwag kayong mag-alala ako ang magiging tour guide niyo." Sabi ko sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Lia at nakita kong natutulog si Kiefer sa gilid ng kama ni Lia. Nasa private room na kami ngayon hindi pa nagigising si Lia pero ang sabi ng doctor stable na daw siya.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon