CHAPTER 32

4.6K 128 60
                                    

Brussels, Belgium (4 years after)

"Mommy... Please come home. I miss you so much"

Napahawak naman ako sa ulo ko at hinilot ito. "Baby you know that Mommy can't come home now. I still have work. Tita Ninang is there naman right?" I said to her.

Nakita ko ang mga katrabaho ko na sumisenyas na, ibig sabihin kailangan na namin bumalik sa trabaho.


"Baby, mommy needs to go back na sa work. I promise we will have a bonding this weekend. Go na to your tita ninang. I love you so much baby." I said and I can't help but to cry.


"And I love you very much Mommy ko. Come home safe please. No more pasalubong just come home." Sabi niya pa at napangiti na ako ng tuluyan.

Athalia Kaela Valdez.

My 4 year old daughter.  My sunshine. My happiness and the only reason why I'm still fighting.

"Alyssa? Tara na." Sabi ni Wilna ang nag-iisang pinay na kasama ko dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan namin. "Ayaw ka na naman pakawalan ni Lia no? Ang ever sweet junakis mo." Sabi niya at ngumiti naman ako.

"Para naman hindi mo kilala yung bata na iyon. Pinapauwi na nga niya ako eh." Sabi ko at pumunta na kami sa kitchen.


"Ang sweet sweet talaga ng bata na yan. Sayo ba nagmana yan or sa tatay niya?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama sa pagbanggit.

"Ito naman charot charot lang naman Alyssa. Masyado kasi tayong seryoso eh." sabi niya at ngumiti sa akin.

Bumalik na kami sa pagtatrabaho. Apat na taon na kaming dito nakatira ng anak ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Pilipinas pinili kong lumayo at mamuhay ng malayo sa kanya. Kasama namin si Wilna sa bahay namin dito.

"Aly? Can you do the dishes?" one of the kitchen staff asked me.

"Of, course chef." I said at ngumiti sa kanya. Sa isang maliit lang na restaurant ako nagtatrabaho.

Natapos ang shift ko nagmamadali akong bumalik sa locker room namin. "Ly? alis ka na? Pakiyakap na lang ako sa baby girl natin ha. Ingat ka." Sabi niya at niyakap ako.

"Yes, Wilna! Mauna na ako ha kita na lang tayo sa bahay. Pero sure akong mauuna ka sa akin." sabi ko at sinuot ang coat ko at lumabas na sa building.


Nagsimula akong maglakad papunta sa pangalawa kong trabaho sa araw na 'to. Ganito na ang buhay ko. Kailangan kong kumita ng pera para sa anak ko.

"Goedemiddag Mevrouw!"  (Good afternoon Miss)

"Goedemiddag Aly!" my manager said and smiled to me. "You can start your work so you can go home early."

"Dank je wel, Mevrouw!"  (Thank you, Miss)

Sa tagal namin dito sa Brussels natutunan na namin magsalita ng basic Dutch.

Pumunta na ako sa quarters namin at nagpalit ng damit. Kung kanina waitress ako ngayon naman dito ako sa maliit na cafeteria kung saan maraming waffles. Brussels is known for its waffles.

"Aly! You look good today." Ang katrabaho ko na matagal ng nagpaparinig sa akin na may gusto daw siya sa akin.

Ngumiti lang ako pumwesto na sa cashier. Maswerte ako dahil nakakuha pa din ako ng trabaho dito.

"Aly please let's have date tomorrow." Anthony said and smiled to me.

"I'm sorry I can't. I promise a date with my daughter, Anthony." I answered him.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now